Monday, January 7, 2013 POEA Advisory on EPS-Topik CBT NEW 2:00 AM - TopicsExpress



          

Monday, January 7, 2013 POEA Advisory on EPS-Topik CBT NEW 2:00 AM FIRST TIME in KOREA SOURCE: poea.gov.ph POEA Advisory No. 1 Series of 2013 January 2013 Computer-Based Test of Proficiency in Korean Employment Permit System Kayo ba ay kabilang sa mga nanggaling sa Korea at nagtrabaho sa ilalim ng Employment Permit System (EPS) na nais makabalik sa bansang nasabi? Narito ang inyong pagkakataon kaya inyong alamin kung kayo ay kwalipikadong makabalik at kung paano ang dapat gagawin: 1. Ang mga kusang-bumalik (voluntary returnee) mula sa Korea simula noong 1 January 2010 na hindi pa lampas sa 38 years old sa umpisa ng CBT Registration (mula sa mga ipinanganak ng 14 January 1975) ang sakop ng ganitong programa upang muling makapagtrabaho sa ilalim ng EPS. Hindi na maaaring mag-apply ang lampas na ng 38 years old ng 14 January 2013 at ang mga may Korean record of overstaying or illegal stay. 2. Sa pamamagitan ng bagong ipatutupad na Computer-Based Test of Proficiency in Korean (CBT-TOPIK) ng Korean Ministry of Employment and Labor (MOEL) sa pamamagitan ng ahensya nitong HRD Korea, ang makakapasa sa language test na ito at maging sa kaukulang health qualification pagkatapos ay muling maisasama sa EPS Jobseeker Roster para magkaroon ng pagkakataong mapiling muli ng Korean EPS employers at makabalik sa Korea sa maikling proseso, na dadaan pa rin sa POEA. 3. Tingnan sa POEA website (poea.gov.ph/) ang Announcement ng MOEL-HRD Korea para sa kaukulang mga alituntunin ukol sa CBT-TOPIK. 4. Ang unang CBT-TOPIK registration ay gagawin sa loob ng limang (5) araw (14 to 18 January 2013) para sa National Capital Region, Luzon, Visayas at Mindanao sa mga sumusunod na dako: National Capital Region and South Luzon Occupational Safety and Health Center (OSHC) North Avenue corner Agham Road Diliman, Quezon City North and Cental Luzon POEA Regional Center for Luzon 2nd Floor, LZK Zambrano Bldg. Quezon Avenue, San Fernando City La Union Visayas Region POEA Regional Center for Visayas DOLE Bldg. (Insular) Gorordo corner General Maxilom Avenues, Cebu City Mindanao Region POEA Regional Center for Mindanao 2nd Floor, AMYA II Bldg. Quimpo Boulevard corner Tulip Drive Ecoland, Davao City 5. Ang actual computerized examination ay magsisimula sa February 19, 2013 na gagawin sa nag-iisang CBT Venue na matatagpuan sa 6th Floor ng POEA BFO Building sa Mandaluyong City, sang-ayon sa ibibigay na schedule o individual test date ng HRD Korea at i-aanunsyo sa POEA sa website simula sa February 7. 6. Naririto ang mga kailangan sa araw ng CBT-TOPIK Registration: Kopya ng Pasaporte na may tatak ng kusang paglisan sa Korea Application form na may kopya ng pasaporte at 2 colored pictures (passport size 3.5 cm x 4.5 cm taken within 6 months). Ang CBT Application Form ay ipapamahagi sa dako ng CBT registration. Php996 Test Fee (peso equivalent of USD24) na babayaran sa Landbank branches sangayon sa POEA Order of Payment 7. Ang Computer-Based TOPIK ay tatagal ng 70 minutong tuloy-tuloy. Ito ay binubuo ng Reading (40 minutes) at Listening (30 minutes) components. 8. Upang maging sistematiko ang pagpunta ng mga nais magparehistro, sundin po lamang ang kaukulang takdang araw sang-ayon sa simula ng apelyido/surname sang-ayon sa sumusunod na letra: Lunes (14 January) : A to E Martes (15 January) : F to J Miyerkules (16 January) : K to O Huwebes (17 January) : P to T Biyernes (18 January) : U to Z Salamat sa inyong Pagtugon at Kooperasyon.
Posted on: Thu, 03 Oct 2013 16:05:47 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015