Mulit muli, kami poy nagpapasalamat sa panibagong tagumpay. Sa - TopicsExpress



          

Mulit muli, kami poy nagpapasalamat sa panibagong tagumpay. Sa limang bayan na naglaban, ang atin pong mga bata ay pumangatlo sa ating distrito. Pero hindi po ganun kasarap itong lasapin, sapagkat may natanggap mang karangalan ay para bagang hindi lamang iyon ang nararapat sa ating mga inilaban. Ipagpaumanhin po ninyo, sa mga masasagasaan... sorry po at akoy magbubuhat na ng sariling bangko... nauusap na rin naman pong maging hurado sa ilang mga paligsahan ng bigkasan.. Kailangang naiideliver nang maayos ng mga kalahok ang kanilang mga linya, hindi patigil-tigil at hindi nagtatanong sa mikropono ng Ano?. Kaya palay hindi naiintindihan ang idinidikta ng trainor. Nakakalungkot na ang nagwagi ay mga kundi diktahan.. At kailangan pang mag-explain ng judge na di bale daw na nakakalimutan ang mga linya sapagkat matagal pa naman daw siguro ang provincial level. Ayon pa sa kanya, di dapat nagsisigawan pero bakit ang nanalo ay kahit nakamikropono na ay pasigaw pa rin ang mga salita na di na halos maunawaan ang mga sinasabi. Nagsasalita ang isa sa magkatunggali pero maririnig mo ang boses ng lakandiwa na imik ng imik sa kanyang mikropono. At kung anu ano pang mga salita na maririnig na hindi naman kasali sa piyesa.. lagi na lang... Madaling tanggapin ang pagkatalo kung tunay na naging patas ang laban. Pero ang desisyon ng mga hurado ay pinal na..naglalabas lang po ng saloobin. Jenaerah, Ken at Angelic, kayo pa rin ang tunay na champion para sa amin! Congratulations!
Posted on: Fri, 25 Oct 2013 06:04:06 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015