My Pretty Boy – Chapter 10 POSTED BY LYNNETTEPLY · NOBYEMBRE - TopicsExpress



          

My Pretty Boy – Chapter 10 POSTED BY LYNNETTEPLY · NOBYEMBRE 10, 2010 · 1 PUNA “Thalia, wag mong kakalimutan ang kasal ng pinsan mo ha! Naku,magagalit yun pag di ka pumunta, isa ka pa naman sa bridesmaid, i-cancel mo na muna yang mga appointment mo” paalala sa kanya ng Tita Edelyn niya. Kasalukuyan siyang nasa dressing room niya at nagpapahinga, tamang-tama at break na nila sa pictorials niya ng tumawag ito sa kanya. “Opo tita, i wont forget, naka-schedule na yan. Pasensiya na talaga at di ako makakapunta sa practice, madali lng naman siguro ang routine tita, kaya na yan ng paborito niyong pamangkin” pagpapatawa niya “Hindi mo ko makukuha sa mga ganyan mo, Thalia ha, basta wag mong kalimutan, next week na yon, sa Sunday, naku! Magtatampo na talaga yon ,minsan lang ikakasal yon” pahabol pa ng tita niya “Ate! Tapos na daw ang break!” singit ng PA niya “I’ll be there in a minute!” sagot niya “Ahm..sige tita, duty calls, i have to go..” pamamaalam niya dito “Basta! Wag mong kakalimutan ha! Sige bye! Ingat!” pamamaalam nito “Sige po!” agad niyang pinindot ang end button at inilagay sa bag niya ang cellphone “Ay! Nakalimutan kong tanungin ang pangalan ng partner ko” biglang naalala niya Kukunin na sana niya ang cellphone niya ng tawagin na siya ng manager niya, ibinalik na lng niya ulit at agad na lumabas sa dressing room. Kasalukuyan siyang nasa mall, as usual, ay naka-disguise na naman siya. Bibili na siya ng regalo para sa pinsan niya. Gusto niyang siya mismo ang bumili ng regalo kaya tinakasan na naman niya ang manager niya. Nasa furniture section siya ng may makita siyang pamilyar na tao. “Teka! Kilala ko yun ah!” agad niyang sinundan ang tao at tama nga ang hinala niya, si Karl! With a girl clinging in his arms! “Kaya naman pala hindi nagpaparamdam ang unggoy! May iba nanaman pa lng sinusungkit na saging! Abah naman! Akala ko pa naman kung sinong seryoso sa mga babae! yun pala dakilang playboy!” Nang pumasok ang mga ito sa isang restaurant ay sinundan niya ito, umupo siya sa malapit na mesa mula sa dalawa. “Karl? What do you want? Me? Or the food?” pagpapa-arte ng babaeng kasama nito “Karl? What do you want? Me? Or the food?” panggagaya niya dito. “Eh di sana hindi na lng kayo dito nagpunta! Restaurant kaya ito! Duh! At paano ka niya magugustuhan? Para ka ng soured food!” “Mam? Can i take your order?” biglang sulpot ng kung ano sa tabi niya “Gggrrrr!” biglang reaction niya “Ahmm..s-sige m-mam..b-balikan ko na lng kayo” agad nitong inilapag ang menu at umalis sa tabi niya “Hoy! Sandali! Oorder na ko!” tawag niya dito. Napasobra ata ang galit niya kaya nakita pati sa itsura niya, natakot pa tuloy ang waiter. “Aahh..m-mam? May hinihintay kayo?” “Wla, ahm..give me some spag and ice tea, yun lng” simpleng sabi niya “Right away mam” tatalikod na sana ito ng tawagin niya ulit ito “Ahh, sandali..pumapayag ba kayong may naglalampungang mga tsonggo dito sa restaurant niyo?” nilakasan niya ng kaunti ang boses niya ngunit parang wala lng sa mga ito ang sinabi niya gayong ang lapit-lapit niya “Mam?” “Wala! Sige na!” pagtataboy niya dito. Kung ice lang siguro ang dalawang taong kanina niya minamanmanan ay tunaw na ang mga ito sa killer eyes niya, pagkatapos ng ilang minuto ay dumating ang order niya. Nawalan siya ng gana dahil sa napakagandang view sa harapan niya. Ang lalakeng mahal niya na may kasamang babaeng kanina niya pa gustong bumula ang bibig. “Abah! Asan galing ang mahal? At saka cariño brutal talaga ang gusto mo sa babaeng yan ha?” singit ng munting tinig sa utak niya. “Oo nga? Asan nga ba nanggaling yung gusto? Tsaka ba’t ba ko nandito?” depensa niya.” Sister! Magpakatotoo ka! May gusto ka na sa kanya! Duh! Hindi ka naman siguro magkakaganyan at mag-eexert ng effort kung di mo siya gusto?” nandoon na naman ang munting tinig “Hon! Halika na! Punta tayo dun!” sabi ng babaeng impakta.Biglang natapos ang battle of the minds ng dalwang parte ng utak niya dahil narinig niya ang boses ng babae, tinignan agad niya ang itinuro ng babae. “Jewelry store lng pala! Akala mo naman kung may meteor shower kung makaturo” Agad niyang kinuha ang celphone nya para tingnan ang oras. “Hala! 5 na? Naku..patay na ako kay Ate Che nito. Tinignan niya agad ang mga messages sa cp niya. “Naku! Patay nga! siguradong katakot-takot na bala ng canyon at shower rain ang makukuha ko nito!” naguguluhan niyang sambit “Aah! Ang regalo pa pala noh? Natampal na lamang niya ang noo “Grrr! Bwisit talaga ang tsonggong yun! Pahamak sa nananahimik na buhay!” nanggigigil niyang sabi, agad siyang umalis sa mall na sinusumpa na hindi na nya papansinin at kakalimutan ang lalakeng iyon! “Wow! Ang ganda naman ng pamangkin ko!” sabi ng kanyang tita Edelyn “True ka diyan mother! Paano bang hindi gaganda eh sikat na model ang pamangkin niyo!” sabi ng baklang umayos sa kanya “Ano ba kayo, si insan ang star ngayon dahil siya ang ikakasal tsaka nasa lahi natin ang magaganda” pagbibiro niya “Oo na, sige na.tama ka na, hay! Wish ko lang maging maayos ang kasal ng pinsan mo” kinakabahang sabi ng tita niya “Xempre naman! Dapat lng tita, dahil kung sino ang manggugulo, ipapahulog ko sa pinakamalapit na bangin” natatawa niyang sabi “Siya!siya! halika na! mag-uumpisa na ang kasal” agad silang lumabas sa silid at lumabas. Magaganap ang wedding ng pinsan niya sa isang resort na pag-aari ng magiging husband nito. Napakaganda ng paligid, napapalibutan ng magaganda at imported na bulaklak. Napaliligiran din ng mga matatangkad na puno ang lugar, mostly pine trees. Parang isang malaking greenhouse pero may mga swimming pool nga lang at mga cottages na nakapaligid. Magiging isang dream wedding nga ang kasal kung dito magaganap. Agad siyang tumabi sa mga kasama niya sa entourage at bilang isang sikat na tao ay pinagkaguluhan na naman siya. “Ahmm..di ba ikaw ang sikat na model na si Thalia Martinez?” tanong ng isa sa mga bridesmaid “Ahh..yeah” mahinang tugon niya. Heto na ang kinatatakutan niya “Pwedeng pa-autograph? Tska pa-picture na din” sabi pa nito “Kami rin!” tili pa ng iba “Girls! Mamaya niyo na gawin yan! Mag-uumpisa na ang kasal! Punta na kayo sa places ninyo!” singit ng organizer “Ay! Killjoy!” sabay-sabay pa nagsalita ang mga ito “Sige na girls..mamaya na lng…di pa naman ako mawawala eh..I’ll be here till reception” promise naman niya “Yehey! Basta mamaya ha?” agad naman pumwesto ang mga ito sa mga lugar na mga ito “Thank you! You’re an angel!” agad naman niyang sinabi sa organizer ng mawala na ang mga babae “Glad to help! Sige na doon ka na sa place mo” nahihiya pa nitong sabi “Ahmm..if you don’t mind. Hindi ko kasi alam ang gagawin” nakangiwi niyang sabi “Yan nga ang iniisip ko kanina kaya lumapit ako dito, aside sa pagtataboy sa mga fans mo” mayabang na sabi nito “Anong pangalan mo?” nakangiti na niyang tanong, magaan ang loob niya sa babae. “I’m the one and only beautiful wedding planner Shelly, and you?” nakangiti pa nitong sabi saka inilahad ang kamay nito “Thalia” sinakyan niya na lng ang trip ni Shelly “Well, eto ang gagawin mo, first, you’ll walk to the aisles then stop at your place to welcome the bride, alam ng partner mo kung saan ang inyong pwesto kaya dont worry, kung hindi mo alam ang gagawin mo, just try to ask him” mahaba nitong sabi “By the way, whose my partner?” nagtataka niyang tanong Hindi ito nagsalita bagkus itinuro lng nito ang isang paparating na tao. “Oh! There he is!” Agad niyang tinignan ang itinuturo nito and she was so shocked! It was no other than the man who she had swored na hindi niya papansinin! Hindi niya alam ang gagawin niya, wla na siyang choice, hindi siya pwedeng umatras,hindi rin pwedeng hindi nya nito pansinin. “Aah! What do i do? What do i do?” “Here he comes, I guess kailangan ko pa siyang ipakilala sayo, right?” “No, hindi na kelangan, kilala ko na siya” simpleng sabi niya
Posted on: Fri, 22 Nov 2013 10:31:09 +0000

Trending Topics



Hinds Marshall Boggs from Cleveland
Mothers are amazing people. Mine is in heaven, which is probably
도시전설 / Urban Legends: 너슬 다리 위의 비극:
Of all the money that eer I had, I spent it in good company And
Hello everyone, Below you will find the pages of a booklet titled
hiring: ---- PIPING INSULATION SPECIALIST ---- with relevant

Recently Viewed Topics




© 2015