NBI chief nagbitiw (TMendoza/BJadulco) Nagbitiw kahapon sa - TopicsExpress



          

NBI chief nagbitiw (TMendoza/BJadulco) Nagbitiw kahapon sa puwesto si National Bureau of Investigation (NBI) Director Nonnatus Rojas kasunod ng iniutos na imbestigasyon ni Pa­ngulong Noynoy Aquino sa natanggap na tip ni pork barrel scam suspect Janet Lim-Napoles ukol sa warrant of arrest nito, ayon kay Justice Sec. Leila de Lima. Sa isang press briefing, sinabi ni De Lima na irrevocable resignation ang isinumite ni Rojas subalit kanya umanong personal na hihilingin kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino na huwag itong tanggapin. Matatandaang dalawang opisyal ng NBI ang iniim­bestigahan ngayon na sinasabing nagbigay ng tip kay Napoles para hindi ito maaresto matapos na magpalabas ng warrant of arrest ang Makati City Regional Trial Court. Iginiit naman ni De Lima kay Rojas na hindi ito kasama sa tinutukoy na opisyal ni Pangulong Aquino ngunit dahil sa delikadesa ay naghain pa rin ito ng resignation. “It goes to show that he is very principled, meron siyang delikadesa, kahit in-explain ko na hindi ikaw ang tinutukoy ng Pangulo and you have my trust and confidence and I can say and think that the President has trust and confidence in him ay gino-go pa rin niya ang resignation na ito,” paliwanag ni De Lima. Inamin naman ng nagbitiw na NBI director na naapektuhan ito sa pagkakadawit ng NBI sa sinasabing leakage sa pagpapalabas ng warrant of arrest laban kay Napoles kaya naman mas minabuti nitong magbitiw sa halip na kuwestiyunin ang integ­ridad ng ahensya. Sinabi ni Rojas na nagbitiw ito upang bigyang-daan ang isang transpa­rent investigation at handa umano siyang managot at pananagutin ang posibleng nasa likod ng leakage sa oras na mapatunayan ito. Mula naman sa palasyo, sinabi ni presidential spokesman Edwin Lacierda, “Wala pang aksyon doon sa resignation, let’s be clear; so, pangalawa, patuloy pong ginagawa ni Director Nonnie Rojas at ng kanyang team ‘yung case build-up po dito sa investigation. So the work goes on. There is no word yet as to the resignation letter.”
Posted on: Tue, 03 Sep 2013 02:41:43 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015