NEWS ABROAD FRIDAY, AUGUST 23, 2013 18 Pinoy pinatawad sa - TopicsExpress



          

NEWS ABROAD FRIDAY, AUGUST 23, 2013 18 Pinoy pinatawad sa Qatar (Aries Cano) Umaabot sa 18 Pinoy na nahatulan sa iba’t ibang asunto ang binigyan ng pardon sa Qatar. Ayon kay PHL Ambassador Crescente Relacion, ipinagkaloob ni His Highness Emir Sheikh Tamim bin Hamad al-Thani ang pardon sa 18 Pinoy nitong katatapos na paggunita sa Ramadan. Sa naturang bilang, walo ang naharap sa kasong immorality, tatlo ang kinasuhan ng theft, dalawa ang inasunto sa pagbebenta ng alak at breach of trust at isa ang nasabit sa pag-iingat ng shabu, fraud at ‘di nagbayad ng utang. Kabilang sa mga na-pardon ang 10 lalaki at walong babae. Isasangguni ang mga ito sa Deportation Center para sa repatriation sa Pilipinas. Idinagdag ni Relacion na ang nasabing batch ang tinuturing na “biggest group” ng mga Pinoy na binigyan ng pardon sa mga nakalipas na taon. =Apple=
Posted on: Thu, 22 Aug 2013 18:54:26 +0000

Trending Topics



>
Come one come all: Its time to have some fun! Heres your chance to

Recently Viewed Topics




© 2015