Na-Chito Miranda Part 2? Sa panahon ng ganitong isyu at eksena, - TopicsExpress



          

Na-Chito Miranda Part 2? Sa panahon ng ganitong isyu at eksena, kanya-kanya ng panig ang mga tao. May mga affected na parang sila yung nasa video. Kung makareact at makipag-away, kala mo sila yung natanggalan ng privacy. Hindi mo alam kung may pakielam ba talaga o sadyang nagpost yung kaaway nya ng pabor sa scandal tapos kinokontra lang. Sus. May mga solid fans na nagtatanggol. Nakikisimpatya sa kanilang idolo at ipinapamukha ang kontribusyon ni Chito sa larangan ng musika. May mga no comment pero may pakielam talaga. Nalulungkot at naaawa sa sinapit nung mga syota. Nananahimik na lang at wala rin namang magagawa kung maghimutok sya. Isa pa, di nya papanuorin yung video kasi nga sincere sya na naaawa sya. May mga nakikisawsaw lang. Porket trending, makikisali. Makikinood na at saka magpopost ng tungkol dun. Di na inisip yung kawawang tao. Basta sya naglibugan at natawa sa reaksyon ni Chito, okay na sya. May mga na-curious lang. Gusto lang mapanood pero walang balak manghusga. Hindi nagbago ang tingin sa mga bida. Sadyang dala lang ng malikot na utak kaya gustong mapanood. May mga walang alam. Video pa rin ng Chinito ang alam. Walang balita sa Na-chito Music Video. Nasaan ka man sa mga yan, dapat alam mo ang dapat mong gawin at yun ang mag-ingat. Mag-isip muna bago gawin ang mga bagay. Nasa huli pa rin ang pagsisisi. Nagkakamali tayo at dapat natututo tayo. Pero minsan dapat na rin tayong maging praktikal. Bakit iintayin mo pang mangyari sayo para matuto ka, kung pwede namang matuto ka sa pinagdaanan ng iba? #ADMINSHIN26
Posted on: Tue, 01 Oct 2013 06:15:04 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015