Naka-synchronize sa: Daily Text Ngayon es13 p. 98-108 - TopicsExpress



          

Naka-synchronize sa: Daily Text Ngayon es13 p. 98-108 Oktubre Sabado, Oktubre 26 Sila ay magtitipon ng mga guro para sa kanilang sarili upang kumiliti sa kanilang mga tainga.—2 Tim. 4:3. Anu-anong turo ang kumikiliti sa tainga ng mga tao sa ngayon? Sa maraming lugar, puspusang itinataguyod ang turo ng ebolusyon. Bagaman ang ebolusyon ay karaniwang itinuturo bilang siyensiya, halos naging relihiyon na ito, anupat nakaaapekto sa pangmalas ng mga tao sa Diyos at sa kanilang kapuwa. Popular din ang turo na hindi interesado ang Diyos sa atin, kaya naman hindi na rin tayo kailangang maging interesado sa kaniya. Bakit milyun-milyon ang naaakit sa mga turong ito, anupat nakakatulog sila sa espirituwal? Pare-pareho ang mensahe ng mga ito, ‘Puwede mong gawin kahit anong gusto mo dahil hindi ka mananagot.’ Talagang nakakakiliti sa tainga ng marami ang ganitong mensahe. (Awit 10:4) Gustung-gusto ng mga nagsisimba ang mga guro na nagsasabi, ‘Kahit anong gawin mo, mahal ka pa rin ng Diyos.’ Kinikiliti ng mga pari at pastor ang tainga ng iba sa pagsasabing ang mga seremonya, Misa, at mga imahen ay sinasang-ayunan ng Diyos. w12 3/15 2:4-6
Posted on: Fri, 25 Oct 2013 23:34:58 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015