Nakatutuwang panoorin ang mga bata sa paglalaro ng - TopicsExpress



          

Nakatutuwang panoorin ang mga bata sa paglalaro ng iskul-iskulan. At syempre pa si Mumai ang gumanap na guro na may tatlong estudyante. Si Badong at dalawa pa naming mga kapit-bahay na kasing edad din naman nila. Napapalingon ako habang naririnig ko si Mumai na nagbibigay ng instruction sa mga kalaro nya habang sa palagay ko ay may quiz ang kanyang mag-aaral. At ayun na nga, narinig ko na yung mga katagang "PASS YOUR PAPERS!" Nagquiz nga sila.. he he At syempre pa, kapag may school, may recess. Ginawa nilang canteen yung estante namin, yung kabinet na lalagyan ng stock na pagkain. Hindi ko na makuhang magalit noong natuklasan ko na naubos na ang laman ng aming kabinet. Natawa nalang ako. Sa susunod, isa-suggest ko na lang sa kanila na kapt-bahay na lang sila maglaro ng PICNIC-PICNIKAN!
Posted on: Sat, 20 Jul 2013 15:23:50 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015