Nang si Nene ay nabuntis sa edad 20: sabi nila, naku! napakabata - TopicsExpress



          

Nang si Nene ay nabuntis sa edad 20: sabi nila, naku! napakabata pa, disgrasyada na! nang si Nene ay nagbalak magpa-abort: sabi nila: mamamatay-tao! nang si Nene ay nagbalak ipaampon ang anak: sabi nila, di ako makapaniwalang kaya ng kanyang konsensiyang ipamigay ang anak niya! nang si Nene ay nagdesisyong alagaan na lang ang anak: sabi nila, paano niya bubuhayin ang bata? wala naman siyang alam sa buhay! nang si Nene humingi ng tulong sa pag-aalaga ng anak: sabi nila, tamad kasi, ayaw magtrabaho! nang si Nene ay nakahanap ng trabaho: sabi nila, paano niya maaatim na iwan ang anak niya sa ibang tao maghapon? nang si Nene ay lumagi na lang sa bahay para alagaan ang anak: sabi nila, malamang wala itong ginagawa maghapon-magdamag! nang si Nene ay di na nagsasasama sa kanyang mga kaibigan: sabi nila, naging mongha na yan mula nang magkaanak! nang si Nene ay lumabas muli kasama ang mga kaibigan: sabi nila, aba! nakukuha pang gumimik, dalagang dala na! nang si Nene ay gusto nang makipaghiwalay sa kanyang nobyo: sabi nila, bobo! buti nga me pumatol pa sa kanya eh! nang si Nene ay nakipag-ayos sa kanyang nobyo: sabi nila, napakatanga! iiwan lang siya nyan balang-araw! nang si Nene ay kumain ng hamburger: sabi nila, tabatsoy! cholesterol! nang si Nene ay kumain ng salad: sabi nila, payatot! kumakain ng damo! nang si Nene ay naging overprotective sa kanyang anak: sabi nila, praning yata yan eh, lukaret! nang si Nene ay binayaang maglaro ang anak sa labas: sabi nila, nasan ba ang nanay nito? masyadong pabaya! nang si Nene ay pinalo at pinagalitan ang anak: sabi nila, tawagin natin ang bantay-bata! abusado at mapagmaltrato sa bata! nang si Nene ay di na namalo at nagalit kailanman sa anak: sabi nila, siguradong lalaking sutil at spoiled ang anak nyan! MORAL LESSON Kahit ano pa ang gawin mo, siguradong may sasabihin ang mga tao laban sa yo! kaya gawin mo lang kung ano ang makakabuti sa yo, at hindi sa kung anong iisipin ng ibang tao! bstah keep on doing right alam naman nting tama. :)
Posted on: Fri, 01 Nov 2013 01:48:05 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015