●/Napulot na malaking pera, marami nag-claim /▌ / Written - TopicsExpress



          

●/Napulot na malaking pera, marami nag-claim /▌ / Written by Ronald Tactay Published in Top Stories Tuesday, 13 August 2013 23:37 ILOILO CITY - Naibalik na sa may-ari ang malaking halaga ng pera na naiwan nito sa de pampasaherong sasakyan noong nakaraang linggo at itinurn-over ng honest na pasahero sa Bombo Radyo. Nagtungo sa himpilan ng Bombo Radyo ang may-ari na si Anthony Lago ng Brgy. Pangilihan, Janiuay, Iloilo. Nakumpirma ng Bombo Radyo na siya ang may-ari matapos tinanong ito ng denominations at inilarawan kung paano nito nawala ang pera. Ayon sa may-ari, papunta siya sa bangko nang araw na mawala ang pera at magbabayad na sana siya ng kanyang binuksang account sa bangko nang matuklasan na wala na ito. Napag-alaman na ang pera ay pinagbentahan pa nito ng alagang kalabaw para ipambayad sa agency sa kanyang pagtungo sa Abu Dhabi. Labis naman ang pasalamat nito sa nakakita ng kanyang pera at sa Bombo Radyo sa pagtitiyak na mapunta sa tunay na may-ari ang pera. Napag-alaman na marami rin ang nagtangkang mag-claim ng pera subalit nabigo ang mga ito matapos hindi nagtugma ang kanilang paglarawan dito. Nang makita ang pera, wala itong kasamang identification card o anumang bagay na makatulong sa pagtukoy sa may-ari kaya’t idinaan na lamang sa pamamagitan ng pag-usisa at deskripsyon sa pera ang pagtukoy sa tunay na may-ari. - See more at: bomboradyo/news/top-stories/item/17271-napulot-na-malaking-pera-marami-nag-claim#sthash.zOy8EUrJ.dpuf
Posted on: Wed, 14 Aug 2013 02:00:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015