Naranasan mo na bang magMAHAL ng MALI.? NagMAHAL ka ng may - TopicsExpress



          

Naranasan mo na bang magMAHAL ng MALI.? NagMAHAL ka ng may kaHATI. nang angkin ka na ba ng pag aari ng iba? Nagbigay ka na ba ng walang hinihinging kaPaLIT? Bakit nga ba minsan may mga bagay na nagagawa tayo, na hindi natin inaasahan magagawa pala natin? Sino nga ba ang may gusto magMAHAL ng may KAHATI? Sino nga ba ang may gustong maging pangalawa. At sino nga ba ang may gustong magMAHAL ng MALI? Bakit nga ba hindi mo maiwasan mahalin ang pag aari ng iba, na kahit anong iwas mo, hindi mo mapigilan? Pikit mata mo nalang tinatanggap ang katotohanan. Makasama mo lang siya, kahit sa konting sandali. May Pag-ibig na dumarating sa MALING PANAHON at MALING PAGKAKATAON... Gustuhin mo man makasama siya , hindi naman pwede. Minsan iniisip mo nalang na , SANA siya ang Kasama mo. Kasama mong bumubuo ng mga pangarap, kasama mo hanggang sa pagtanda. Sabi nga nila, "Hindi lahat ng nagsasama ay NagmaMaHaLan, at hindi lahat ng nagmaMAHaLan ay magkasama"... Mapaglaro ang tadhana, minsan akala mo nakita mo na ang taong gusto mong makasama sa habang buhay. Pero sa isang iglap , may isang taong gugulo ng mundo mo at hindi mo inaasahan babago ng pananaw mo. Maraming bagay ang hindi mo maipaliwanag, hindi mo maintindihan. Ano nga ba ang dapat at hindi? ..jam..
Posted on: Fri, 06 Sep 2013 06:14:16 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015