National News Tinted bus ibabawal vs holdup Ni Bernard - TopicsExpress



          

National News Tinted bus ibabawal vs holdup Ni Bernard Taguinod Kasabay ng planong muling pagbuhay ng unang isinulong nitong paglalagay ng closed- circuit television (CCTV) cameras sa loob ng mga pampasaherong bus, hiling ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga bus operator na huwag gawing tinted ang salaming bintana ng kanilang bus. Kaalinsunod na rin ito sa sunud- sunod na bus robbery na naganap nitong nakaraang linggo. Aminado si MMDA Chairman Francis Tolentino na nakakaalarma na naman ang sunud-sunod na insidente ng bus robbery. “Nakakaalarma na itong mga bus robbery incident, kaya kailangan ang CCTV sa loob ng mga bus dahil malaki ang maitutulong nito,” ayon kay Tolentino. Gayunpaman, ayon kay Tolentino, habang hindi pa naisasakatuparan ang kanilang panukalang paglalagay ng CCTV sa loob ng mga bus ay hihilingin niya sa mga bus operator na bilang bahagi ng security measure ay iwasan nang gawing tinted ang salaming bintana ng kanilang bus. (Eralyn Prado) -via Abante
Posted on: Wed, 31 Jul 2013 11:10:42 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015