News via Abante Tonite OFW niratrat na, pinugutan pa (JB - TopicsExpress



          

News via Abante Tonite OFW niratrat na, pinugutan pa (JB Salarzon) Matapos tadtarin ng 36 na bala ng M16 at kalibre .45 ay pinugutan pa ng tatlong kalalakihan ang isang 28-anyos na overseas Filipino worker (OFW) makaraang kaladkarin mula sa kanyang bahay sa Barangay Lower Calarian, Zamboanga City kamakalawa ng gabi. Batay sa report ng Zamboanga City police, kinilala ang biktima na si Alraben Jallao ng Marlboro Drive. Sa imbestigasyon, nangyari ang karumal-dumal na pagpatay sa biktima dakong alas-otso ng gabi. Ayon kay Senior Supt. Jose Chiquito Malayo, hepe ng pulisya ng lungsod, hindi pa malinaw kung ano ang motibo sa krimen dahil maski na ang mga nakasaksi ay hindi lubos na maintindihan kung ano ang pinagtalunan ng biktima at mga suspek bago ang pagpatay at pagpugot sa kanya. Napag-alaman na nagbabakasyon lamang ang OFW. Bago ang krimen ay nakatayo ang biktima sa harap ng kanyang bahay nang sumulpot ang tatlong suspek at narinig lamang ng mga saksi na nagta talo ang mga ito at sinasabi umano ni Jallao na bakit siya ang sisisihin. Hanggang sa nakita na lamang na kinaladkad na ang biktima papalayo nang ilang metro sa harap ng kanyang bahay at pinagbabaril. Agad na tumakas ang mga suspek. Namangha na lamang ang mga sumaklolo nang makitang pugot na rin ang ulo ng biktima. “Pinugutan ang biktima. Dinala pa ng mga suspek ang ulo ng biktima. Malaliman ang ginagawang imbestigasyon dito para matukoy ang mga salarin,” ayon kay Malayo. Admin Manggagawa
Posted on: Mon, 05 Aug 2013 20:39:30 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015