Nililitis na Pinoy sa Brunei, tagilid sa bitay Nanganganib na - TopicsExpress



          

Nililitis na Pinoy sa Brunei, tagilid sa bitay Nanganganib na ma­bitay ang isang Pinoy na inaakusahang pumatay ng isang retiradong civil servant sa Brunei Darussalam. Namumurong mahi­le­ra sa bitayan ang 29-taong gulang na Filipino defendant na si Cyrile Navarro Tagapan na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 302 ng Brunei Penal Code bunsod ng kinasangkutan nitong krimen na humantong sa kamatayan ng biktimang si Abdullah Hj Hamid, 61-anyos, noong Agosto, 2012. Ang nasabing paglabag ay may kaakibat na parusang kamatayan. Sa Oktubre 3 ngayong taon ay aarangkada ang pagdinig ng kaso sa sala nina Justice Dato Paduka Steven Chong at Justice Dato Paduka Hairol Arni Hj Abdul Majid, a­yon sa ulat ng local press sa Brunei. Bukod sa kasong pagpatay ay nahaharap din ang Pinoy sa iba pang kaso kabilang ang tangkang panununog sa bahay ng biktima nang silaban nito ang dalawang sofa sets at isang dining table. Pinararatangan din si Tagapan nang pagkulimbat sa cash, mobile phone at pagtangay sa kotse ng matanda. Nadiskubre ang bangkay ng biktima noong Agosto 9, 2012 sa bahay nito sa Kg Perpinda­han Rimba. Natunton umano ang suspek noong Agosto 14, 2012 ng pulisya sa pamamagitan ng mobile phone ng biktima. abs-cbnnews/business/08/31/13/how-floor-sweeper-became-millionaire-salon-owner
Posted on: Sat, 31 Aug 2013 20:38:42 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015