OFW nasagip, kidnaper patay sa shootout Ni Ludy Bermudo ( MANILA, - TopicsExpress



          

OFW nasagip, kidnaper patay sa shootout Ni Ludy Bermudo ( MANILA, Philippines -Napatay ng mga opera­tiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa sa 5 kidnaper habang nailigtas ang kidnap victim na isang overseas Filipino worker sa isinagawang res­cue operation sa Talisay City, Cebu. Batay sa ulat, matagum­pay na nailigtas ng mga ahen­te ng NBI ang kidnap victim na si Reneboy Agra­viador, OFW at napatay ang isa sa limang miyembro ng kidnap for ransom group na si Wane B. Tiano. Naaresto naman ang suspek na si Ronelo Martel Roble, 47, ng Kalinaw 2, San Rafael, Talisay, Cebu ha­bang nakatakas naman ang diumano’y kasabwat na si PO3 Lee Colina, ng PNP Cebu City, at dalawang hindi nakilalang mga suspek. Sa isinumiteng report ng NBI-Central Visayas Regional Office (CEVRO) nitong nakalipas na Lunes (Hunyo 17) isang Minerva B. Laborada ang humingi ng tulong sa NBI upang mailigtas ang kaniyang live-in partner na si Agraviador sa mga suspek. Ayon kay Laborada, alas-9:00 ng umaga nang dukutin ng lima katao ang kaniyang kinakasama ha­bang nasa junction ng Rabaya St., Talisay City, Cebu sa highway ng Cebu South Road Properties (SRP). Tinawagan pa umano siya ng isa sa kidnaper at humihingi ng P50,000 ransom para sa paglaya ng biktima. Matapos isuplong sa NBI at maikasa ang ope­rasyon, nakipagkita si La­borada sa mga suspek sa Evergreen Cemetery sa SRP, Talisay City, Cebu kung saan isasagawa ang pay-off na lingid sa mga suspek ay naroon din ang mga ahente ng NBI na agad umaksiyon sa pag-aresto, subalit nagkaroon ng palitan ng putok kung saan tinamaan at napatay si Tiano. May nasugatan din uma­nong ilang NBI asset sa nasabing operasyon . Narekober sa kata­wan ni Tiano ang P50,­000 at cellphone na gina­mit sa pakikipag­ne­go­sasyon, dala­wang motorsiklo na ang isa ay pag-aari ng biktima, kalibre .45 pistola, at wallet na may iba’t ibang cards at mga personal na gamit. tsk! wala ng pinipili mga kidnapper.pati OFW.akala nila madami tayo anda.lol apple
Posted on: Thu, 20 Jun 2013 01:59:07 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015