OPINYON KO LANG: Kung napatalsik natin ang isang diktador, PDAF - TopicsExpress



          

OPINYON KO LANG: Kung napatalsik natin ang isang diktador, PDAF pa kaya?? Tara, martsa na sa EDSA! Mag-organisa na! Hindi si Napoles ang kalaban, ang SISTEMA! Wag lang tayong umasa sa mga nakaupo o sa NBI, takipan lang yan kasi masyado nang talamak at matagal ang panlolokong ito. Wag lang tayong umasa na madakip, maparusahan o makulong sila kasi kahit bitay patiwarik di pa rin sapat para sa lahat ng madadawit at kahit 20 taon di kayang matapus yan. Isa pa, kung tao lang ang ating papanagutin lagi, nakakalabas din at nahahalal pang muli. Sistema ang ating tuhugin. Ito na ang pagkakataon. Kakatig natin ang Diyos dito dahil hindi naman ito pagganti kundi mahinahong pagsisiwalat at pagpupuksa ng mali. Ang Diyos ang Siyang may utak ng expose na ito. Kung di tayo kikilos ngayon bilang isang pwersa at isang boses , bale wala lahat ng galit na ating nararamdaman at pinagpopopost dito .....bale wala ang "Daang Matuwid" na nais nating tahakin....@&$#*&%@#&^*)098*&& %@@$$&* ay naku, PINNOOYYYY... kaya tayo ganitong di na umunlad-unlad!!!
Posted on: Mon, 19 Aug 2013 05:18:52 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015