PCOO NEWS RELEASE and BALITANG MALAKANYANG PROC NO. 831 - - TopicsExpress



          

PCOO NEWS RELEASE and BALITANG MALAKANYANG PROC NO. 831 - DECLARING REGULAR HOLIDAYS, SPECIAL (NON-WORKING) DAYS, AND SPECIAL HOLIDAY (FOR ALL SCHOOLS) FOR THE YEAR 2015 30 JULY 2014. Palace welcomes Vatican’s announcement of Pope Francis’ visit to Manila Communications Secretary Coloma welcomes Filipino-American tourists to Malacañang Palace: No restiveness in the armed forces Malacañang says release of four policemen could lead to peace talks with communist rebels Government survey shows 2.5 million Filipinos out of poverty level, Palace official says ________________________________________ Palace welcomes Vatican’s announcement of Pope Francis’ visit to Manila Malacañang is looking forward to His Holiness Pope Francis’ four-day trip to the Philippines next year, which reportedly includes a visit to areas devastated by super typhoon Yolanda, as well as the University of Santo Tomas. “The government joins the Filipino people in welcoming the Vatican’s announcement confirming that His Holiness Pope Francis will make an Apostolic Visit to the Philippines on January 15 to 19, 2015,” Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma, Jr. said in a statement released Tuesday evening. He said President Benigno S. Aquino III is calling on all concerned government offices and the citizenry to work closely with the papal visit committee in ensuring the success of Pope Francis’ Apostolic Visit. Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr. has also been designated by the President as the government’s lead point person for the papal visit. Coloma said Pope Francis’ first visit to the country marks the 20th anniversary of the celebration of World Youth Day in Manila that was presided over by one of his predecessors and recently canonized St. John Paul II. “Filipinos will most certainly accord to Pope Francis the warmth of their hospitality and manifest the fervor of their faith as they welcome the first Pontiff from South America,” Coloma said. The Philippines is considered as the third largest Roman Catholic country in the world, after Brazil and Mexico. More than 80 percent of the country’s population practices the faith, according to the National Statistics Office. PND (hdc) TOP ________________________________________ Communications Secretary Coloma welcomes Filipino-American tourists to Malacañang Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma, Jr. warmly welcomed the participants of this year’s 9th Ambassadors, Consuls General and Tourism Directors’ Tour (ACGTDT) at Malacañang Palace’s Heroes Hall on Wednesday. Accompanied by Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, Secretary Coloma received the 264 ACGTDT delegates, all from the United States. “Every Filipino who travels, or lives and works overseas, feels a deep sense of longing to come home and revisit the homeland. With as much enthusiasm and excitement as migrant Filipinos have aspired to explore and excel abroad, they are similarly filled with anticipation for rekindling friendships and re-creating the warmth of hearth and home,” he said in his brief welcome remarks. Coloma shared his experience working inside the official workplace and residence of the President of the Philippines and how other people, including US President Barack Obama, were impressed by the grandeur of Malacañang. The Palace tour is the highlight of the ACGTDT, which was conceptualized by Secretary del Rosario in 2005. In his speech, Secretary del Rosario expressed gratitude as the program continues to achieve its objectives in “strengthening family ties, renewing friendships, building business partnerships, and leading to personal discoveries. He underscored the ambassadors’ tour’s contribution to the tourism sector in sustaining the country’s socio-economic growth. “Your tourism dollars have a multiplier effect on local businesses as revenues are generated by a number of supporting industries, including hotels, restaurants, and transportation, among others,” he said. He noted that reforms are being undertaken by the government to further enhance the tourism industry. “Much needed infrastructure is being prioritized, shortage of hotel rooms is being addressed, and aviation and industry taxes are being studied to make our tourism industry more competitive,” he said. Del Rosario also gave a brief overview of the deepening and broadening relations of the Philippines and the United States, citing the recent visits of key US officials, among them President Obama, Secretary of State John Kerry, Defense Secretary Chuck Hagel, and Secretary of Commerce Penny Pritzker. He also mentioned that the US’ $40-million grant under the Global Security Contingency Fund aims to further build the capacities of the Philippine Coast Guard and Philippine National Police in terms of maritime security and counter-terrorism. He reiterated that the recently signed Philippine-US Enhanced Defense Cooperation Agreement will bring greater advantage to the country in strengthening alliances, advancing defense capabilities, and increasing readiness in times of disaster. He further noted that the Philippines’ economic partnership with the United States is “on an upward trajectory,” citing the Philippines’ upgrade to Category 1 status by the US Federal Aviation Administration and removal from the Special 301 Watch List. Secretary del Rosario meanwhile disclosed that bilateral and multi-stakeholder consultations are being conducted to learn how joining Trans-Pacific Partnership would benefit the country. He expressed hope that the delegates would have a deeper understanding of their roots and heritage by visiting the Philippines. “The ACGTDT is an important program that significantly contributes to the deepening of our already robust relations. As both our countries march towards a future full of both opportunities and challenges, our partnership, whether economic, political, or people-to-people, must remain strong, steady and steadfast,” he said. The ACGTDT, a joint project of all the Philippine Foreign Service Posts in the United States and Canada, aims to encourage Filipino-Americans to visit the Philippines as part of the country’s intensified tourism campaign. The tour is led by ranking Philippine officials in North America and is participated by professional and business groups. Only the US is taking part in this year’s tour as Canada launched a separate tour last January 17 to 24. The basic tour package consists of a three-day, four-night stay in Manila and other nearby destinations, a tour of Malacañang Palace, and a wreath-laying ceremony at the Rizal Monument. Participants are also given welcome and farewell dinners as well as options to avail of tour packages to other top tourist destinations in the country, such as Boracay, Cebu, Palawan, and Bohol. PND (jb) TOP ________________________________________ Palace: No restiveness in the armed forces Malacañang on Wednesday dismissed rumors of a coup plot against the government, assuring that there is no restiveness among members of the military. “There are no reports of restiveness among the rank and file of the Armed Forces of the Philippines (AFP),” Presidential Spokesperson Edwin Lacierda told members of the Malacañang Press Corps in a press briefing at the Palace. Lacierda said the Palace is convinced that there is no reason for the military rank and file to join any destabilization plot. “The reason for the lack of interest is primarily the reforms that the Aquino administration has already implemented with respect to the armed forces. We have provided mission essential equipment to the people on the ground. We have provided housing units. We have modernized the AFP,” he said. “These are the measures that we have implemented in order to strengthen our Armed Forces. And the rank and file realize and do recognize and appreciate the efforts of the Aquino administration in this respect.” Senator Antonio Trillanes IV has said that retired generals affiliated with former President Gloria Macapagal-Arroyo are plotting a coup against President Benigno S. Aquino III. “Senator (Antonio) Trillanes is free to express his opinion and we respect him for that. We respect his opinion,” said Lacierda, noting that the senator spoke of retired generals. “He did not speak of men and women in active service. We will let the retired generals speak for themselves, not for us. Suffice it to say that we, in the government, and especially the men and women in active service, are committed to the duly constituted authority. There is no question or issue as to any restiveness in the military,” he added. He further said that AFP Spokesman Lieutenant Colonel Demy Zagala has issued a statement on Wednesday morning that there is no truth to the coup rumors. “Walang agam-agam sa loob ng military,” Lacierda said. PND (ag) TOP ________________________________________ Malacañang says release of four policemen could lead to peace talks with communist rebels The Palace on Wednesday welcomed the release of four policemen who were abducted by communist rebels in Surigao del Norte, saying the act is a “groundbreaking event” that could lead to the resumption of peace negotiations with the National Democratic Front (NDF). “This is a welcome development on the part of the NDF to release these four policemen. Certainly, we hope this is a groundbreaking event where the Communist Party of the Philippines -- National People’s Army -- National Democratic Front (CPP/NPA/NDF) would look forward to resuming the peace process without any condition,” Presidential Spokesperson Edwin Lacierda said during a press briefing. Lacierda reiterated that the government is always prepared to sit down with them. “We are always there. We are hopeful that this thing would move forward the peace table with respect to the left,” he added. The policemen, who were abducted when rebels raided their police station in Alegria, Surigao del Norte last July 10, were released at dawn on Tuesday in a remote village in Kitcharao, Agusan del Norte. PND (ag) TOP ________________________________________ Government survey shows 2.5 million Filipinos out of poverty level, Palace official says An annual poverty indicator survey conducted by the National Economic Development Authority (NEDA) shows that 2.5 million Filipinos have been moved out of the poverty level, a Palace official said on Wednesday. “We have government statistics to buttress that and we do so with confidence,” Presidential Spokesperson Edwin Lacierda said during the daily press briefing in Malacañang. Lacierda was commenting on the survey on self-rated poverty and hunger, conducted by the Social Weather Stations (SWS), which said that fewer Filipino families went hungry in the second quarter even as more claimed to be poor. “We have no problem with that. We respect that survey,” he said, noting however that the result of the SWS survey fluctuates as it is done on a quarterly basis. The government, on the other hand, has a formula for computing poverty incidence, he said. “We take into consideration the number of families, their salary below the poverty income level threshold, over the number of families that are part of that,” he explained. “So there has been a three percent decrease in poverty, insofar as the annual poverty incidence survey is concerned,” he said. PND (ag) TOP ________________________________________ ________________________________________ 30 HULYO 2014 Nalugod ang Palasyo sa pahayag ng Batikano na dadalawin ni Pope Francis ang Maynila Tinanggap ni Kalihim Coloma sa Malacanang ang mga turistang Pilipino-Amerikano Walang ligalig sa sandatahang lakas ayon sa Palasyo Nagalak ang Malacanang sa pagpapalaya ng mga rebeldeng komunista sa apat na pulis 2.5 milyong Pilipino na ang nakaahon sa karalitaan, ayon sa ‘survey’ ng pamahalaan ________________________________________ Nalugod ang Palasyo sa pahayag ng Batikano na dadalawin ni Pope Francis ang Maynila Malugod na inaasam ng Malacanang ang gagawing apat na araw na pagdalaw ng Kanyang Kabanalan Papa Francis sa Pilipinas sa darating na taon, na ayon sa ulat ay kabilang sa mga sasadyain ay ang mga oook na malubhang sinalanta ng napakalakas na bagyong Yolanda, gayundin ang Pamantasan ng Santo Tomas. “Ang pamahalaan ay kaisa ng sambayanang Pilipino sa malugod na pagtanggap sa pahayag ng Batikano na magsasagawa nga ng Apostolic Visit sa Pilipinas ang Kanyang Kabanalan Papa Francis sa ika-15 hanggang ika-19 ng Enero 2015,” wika ni Kalihim Herminio Coloma, Jr. ng Presidential Communications Operations Office sa isang pahayag Martes ng gabi. Sinabi ni Kalihim Coloma na pinakilos na ng Pangulong Benigno S. Aquino III ang mga kina-uukulang mga tanggapan ng pamahalaan at hiniling sa sambayanan na puspusang makipag-tulungan sa Papal Visit Committee upang tiyakin ang tagumpay ng pagdalaw ni Papa Francis. Itinalaga ng Pangulong Aquino si Kalihim Tagapagpaganap Paquito N. Ochoa, Jr. bilang lead point person ng pamahalaan kaugnay ng pagdalaw ng Papa. Ayon kay Coloma, ang kauna-unahang pagdalaw ni Papa Francis sa bansa ay natapat sa ika-20 anibersaryo ng pagdiriwang ng World Youth Day sa Maynila na ang namuno ay ang isa sa mga sinundan niya at kamakailan ay idineklarang Santo, St. John Paul II. “Tiyak na si Papa Francis ay masigla at bukas-bisig na tatanggapin ng mga Pilipino upang ipadama ang ating katutubong kagandahang-loob at sigla at alab ng kanilang pananalig sa pagsalubong sa kauna-unahang Papa buhat sa Timog Amerika,” dagdag pa ni Coloma. Ang Pilipinas ang kinikilalang pangatlong pinakamalaking bansang Katoliko Romano sa buong daigdig, kasunod ng Brazil at Mexico. Alinsunod sa National Statistics Office, mahigit na 80 bahagdan ng populasyon ng bansa ay Katoliko Romano. PND(hdc/zaf) TOP ________________________________________ Tinanggap ni Kalihim Coloma sa Malacanang ang mga turistang Pilipino-Amerikano Masiglang tinanggap ni Kalihim Herminio Coloma, Jr. ng Presidential Communications Operations Office ang mga kalahok sa 9th Ambassadors, Consuls General and Tourism Directors Tour (ACGTDT) sa Heroes’ Hall ng Palasyo ng Malacanang Miyerkoles. Kasama ni Kalihim Coloma si Kalihim Albert del Rosario ng Ugnayang Panlabas sa pagtanggap sa 264 mga delegado ng ACGTDT na pawang galing sa Estados Unidos. “Bawa’t Pilipino na naglalakbay o kaya ay naninirahan at nagtatrabaho sa ibayong dagat ay nakadarama ng hangaring makauwi upang madalaw ang lupang tinubuan. Tulad ng pananabik at kasiyahan ng mga migranteng Pilipino na nangarap makatungo at magpakitang kakayahan sa ibang bansa, sila man ay nananabik na sariwain ang pagkakaibigan at madamang muli ang init ng pagtanggap sa bayang pinagmulan,” wika ni Coloma sa maikling pangungusap bilang pagtanggap sa ACGTDT. Isinalaysay ni Coloma ang kanyang karanasan sa pagtatrabaho sa loob ng opisyal na tanggapan at tahanan ng Pangulo ng Pilipinas at kung paanong ang ibang tao, kabilang na ang Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos ay humanga sa ganda at gara ng Malacanang. Ang paglilibot sa Palasyo ang tampok ng ACGTDT na ang nagpanukala noong 2005 ay si Kalihim Del Rosario. Sa kanyang talumpati, nagpasalamat naman si Kalihim Del Rosario sa pagpapatuloy ng programang ito na ang pakay “ay sariwain ang pagkakaibigan, itatag ang balikatan sa kalakal at pagtuklas ng mga bagay na pansarili.” Binigyang diin ni Del Rosario ang malaking ambag ng paglalakbay ng mga embahador sa sektor ng turismo para magpatuloy ang kaunlarang panlipunan-pangkabuhayan ng bansa. “Malaking bagay ang nagagawa ng inyong dolar sa lokal na mga negosyo dahil kumikita ang maraming industriyang tulad ng mga otel, restawran at mga trasportasyon,” sabi pa ni Kalihim Del Rosario. Sinabi ni Del Rosario na ang mga repormang isinagawa ng pamahalaan ay lalo pang magsusulong ng industriya ng turismo. “Inuuna ang kailangang-kailangang mga imprastraktura, tinutugunan na ang kakulangan sa mga kuwarto sa mga otel at pinag-aaralan na rin ang tungkol sa mga buwis sa industriya at sa aviation sa kapakanan ng industriya ng turismo,” dugtong pa ni Del Rosario. Binanggit ni Del Rosario ang higit pang mabuting samahan ng Pilipinas at Estados Unidos at ang pagdalaw sa bansa hindi pa gaanong nagluluwat nina Pangulong Barack Obama, Kalihim ng Estado John Kerry, Kalihim Chuck Hagel ng Tanggulang Bansa ng Estados Unidos at Kalihim Penny Pritzker ng Kalakal. Tinukoy rin ng Kalihim ang $40 milyong grant ng Security Contingency Fund para mapalakas ang kakayahan ng Philippine Coast Guard at ng Pambansang Pulisya sa pangangalaga sa karagatan at pagbaka sa terorismo. Inulit ni Del Rosario na ang kalalagda lamang na Philippine-US Enhanced Defense Cooperation Agreement na lalong magpapatibay ng magandang samahan ng dalawang bansa at isusulong ang kakayahang pantanggulan at kahandaan ng bansa sa mga kalamidad. Inihayag din ng Kalihim ang kasalukuyang konsultasyong ginagawa upang mabatid kung paano makikinabang ang Pilipinas sa pagsapi sa Trans-Pacific Partnership. Nagpahayag ng pag-asa si Del Rosario na lubos na mauunawaan ng mga delegado ang kanilang pinagmulan at kamanahan sa pamamagitan ng pagdalaw na ito sa Pilipinas. “Mahalagang programa ang ACGTDT na malaki ang itutulong para lalo pang gumanda ang napakainam nang relasyon natin. Habang ang dalawang bansa ay patuloy sa pagtahak sa kinabukasang tigib ng pagkakataon at hamon, ang ating samahan, maging sa larangan man ng ekonomya, pulitika, o tao-sa-tao ay dapat manatiling matatag, walang pagbabago at ibayo pang gaganda,” sabi ng Kalihim ng Ugnayang Panlabas. Ang ACGTDT ay pinagsanib na proyekto ng Philippine Foreign Service Post sa Estados Unidos at Canada upang mahimok ang mga Pilipino-Amerikano na dumalaw sa Pilipinas bilang bahagi ng masigasig na kampanya ng bansa ukol sa turismo. Ang biyaheng ito ay pinangungunahan ng matataas na pinuno ng Pilipinas sa Hilagang Amerika at nilalahukan ng mga pangkat ng propesyonal at mangangalakal. Tanging ang Estados Unidos ang lumahok sa paglalakbay sa taong ito sapagka’t ang Canada naman ay nagtakda ng hiwalay na biyahe sa Enero 17 hanggang 24. Ang basic tour package ay tatlong araw at apat na gabing pamamalagi sa Maynila at mga mga kalapit na pook, pagtungo sa Malacanang at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Luneta. Ang mga kalahok ay hinahandugan din ng pasalubong at paalam na hapunan, gayundin ang pagpili sa tour package na patungo sa mga tanyag na pasyalan sa bansa na tulad ng Boracay, Cebu, Palawan at Bohol. PND (jb/zaf) TOP ________________________________________ Walang ligalig sa sandatahang lakas ayon sa Palasyo Isinaisang tabi ng Malacanang Miyerkoles ang umano ay balak na “coup” laban sa pamahalaan at tiniyak na hindi nagkakaroon ng ‘ligalig’ sa Sandatahang Lakas ng Bansa (AFP). “Walang ano mang report ng pagkabalisa ng mga tauhan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas,” sabi ng Tagapagsalita ng Pangulo Edwin Lacierda sa Malacanang Press Corps sa pulong balitaang idinaos sa Malacanang. Sinabi ni Lacierda na naniniwala ang Palasyo na walang dahilan para ang mga tauhan ng militar ay sumama sa ano mang destabilization plot. “Ang dahilan sa kawalan ng interes ay dahil sa mga repormang ipinatupad na ng administrasyong Aquino sa ating Sandatahang Lakas. Binigyan nang sapat na mga kagamitan ang mga tauhang nasa larangan. Pinagkalooban sila ng mga pabahay. Ginawa ang modernisasyon ng AFP, “ paliwanag ni Lacierda. “Ito ang mga hakbang na ginawa na upang palakasin ang ating Sandatahang Lakas. At nalalaman ng mga tauhan ang bagay na ito. Kinikilala at pinahahalagahan nila ang malasakit at pagsisikap ng administrasyong Aquino tungkol sa bagay na ito,” dugtong ni Lacierda. Si Senador Antonio Trillanes IV ang nagsabing ang mga retiradong heneral na malapit sa dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang umano ay nagbabalak ng “coup” laban sa Pangulong Benigno S. Aquino III. “Malaya si Senador (Antonio) Trillanes na ipahayag ang kanyang kuru-kuro at iginagalang namin ang kanyang opinyon,” pahayag ni Lacierda. “Hindi niya sinabi ang mga lalaki at babaeng nasa aktibong serbisyo. Pababayaan namin ang mga retiradong heneral na magsalita tungkol sa bagay na ito, hindi kami. Sapat nang sabihing kami sa pamahalaan, lalo na ang mga kawal na lalaki at babae, ay nanumpang kilalanin ang may kapangyarihang mga pinuno. Walang ano mang pagkabalisang nagaganap sa militar,” sabi ni Lacierda. Idinugtong pa ni Lacierda na nagsalita na si Tenyente Koronel Demy Zagala, Tagapagsalita ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, umaga ng Miyerkoles na walang katotohanan ang mga sali-salitaan tungkol sa “coup.” “Walang ano mang pagkabalisa sa hanay ng Sandatahang Lakas,” ulit ni Lacierda. PND (ag/zaf) TOP ________________________________________ Nagalak ang Malacanang sa pagpapalaya ng mga rebeldeng komunista sa apat na pulis Nagpasalamat ang Malacanang sa pagpapalayang ginawa sa apat na pulis na binihag ng mga rebeldeng komunista sa Surigao del Norte kamakailan at sinabing ang bagay na ito ay “mahalagang bagay” na maaaring humantong sa panunumbalik ng usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front (NDF). “Mainam ang ginawang ito ng NDF na palayain ang apat na pulis. Umaasa kami na magiging daan ito para ang Partido Komunista ng Pilipinas-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ay magsikap na ipagpatuloy ang proseso ng kapayapaan nang walang ano mang kondisyon at pasubali,” sabi pa ni Lacierda. Inulit ni Lacierda na ang pamahalaan ay laging nakahandang makipag-usap sa kanila. “Ganyang lagi ang hangad namin. Umaasa kami na ang bagay na ito ay magiging daan patungo sa usapang pangkapayapaan sa mga makakaliwa,” dugtong pa ni Lacierda. Ang apat na pulis na pinalaya ay dinukot ng mga rebelde nang salakayin nila ang himpilan ng pulisya sa Alegria, Surigao del Norte noong Hulyo 10. Magbubukang-liwayway ng Martes nang palayain ng mga rebelde ang mga pulis sa isang ilang na barangay sa Kitcharo, Agusan del Norte. PND (ag/zaf) TOP ________________________________________ 2.5 milyong Pilipino na ang nakaahon sa karalitaan, ayon sa ‘survey’ ng pamahalaan Dalawa at kalahating milyon nang Pilipino ang naiahon sa karalitaan batay sa isang taunang poverty indicator survey na ginawa ng National Economic Development Authority (NEDA), alinsunod sa Tagapagsalita ng Pangulo. “Mayroon kaming istatistika ng gobyerno tungkol sa bagay na ito at ginagawa namin ito nang walang alinlangan,” sabi ng Tagapagsalita ng Pangulo Edwin Lacierda sa pulong balitaan sa Malacanang Miyerkoles. Ang tinutukoy ni Lacierda ay ang survey on self-rated poverty and hunger na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) na nagsaad na iilan nang pamilyang Pilipino ang nakaranas ng gutom sa ikalawang kuwarter, bagaman marami pa rin ang nagsabing maralita sila. “Walang kaming problema sa bagay na iyan. Iginagalang namin ang survey na iyan,” wika pa ni Lacierda at idinugtong na ang resulta ng SWS survey ay baba-taas sapagka’t ginagawa ito tuwing ikaapat na buwan. Sa kabilang dako, ang pamahalaan naman ay may pormulang sinusunod para tuusin ang kalagayan ng karalitaan, ayon kay Lacierda. “Isinasaalang-alang ng survey ang bilang ng mga pamilya, ang kanilang suweldo na mababa sa poverty income level threshold, kaysa sa bilang ng pamilya na bahagi niyan,” dagdag pa ni Lacierda. “Kaya nabawasan ng tatlong porsiyento ang karalitaan sa ganang taunang poverty incidence survey,” pagbibigay-diin pa ni Lacierda. PND (ag/zaf) TOP ________________________________________
Posted on: Thu, 31 Jul 2014 01:46:48 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015