PILIPINO AKO BY DR. RUTH ELYNIA S. MABANGLO The Embassy of the - TopicsExpress



          

PILIPINO AKO BY DR. RUTH ELYNIA S. MABANGLO The Embassy of the Philippines in Wellington, New Zealand would like to share the poem of Dr. Ruth Elynia S. Mabanglo entitled “Pilipino Ako”. Dr. Ruth Elynia S. Mabanglo is a multi-awarded Filipina poet. A professor and coordinator of Filipino and Philippine Literature Program at the University of Hawaii, Dr. Mabanglo works to promote the Filipino language around the world Some of her notable accomplishments and awards include being the first woman to receive the Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature Hall of Fame, “Makata ng Taon” Poet of the Year by the Commission on Filipino Language, the Manila Critics Circle National Book Award for Poetry for her book, Mga Liham ni Pinay (The Letters of Pinay) and the 2012 Presidential Awardee for Filipino Individuals and Organizations Overseas, in the “Pamana ng Pilipino” category. May this touching poem heighten our love for our Motherland and inspire Filipinos all over the world to share the Filipino’s greatness, values and traits and the richness of Filipino talents, creativity and heritage among our children, families, communities and friends in our host countries. Pilipino Ako Poem of Dr. Ruth Elynia S. Mabanglo Pilipino ako-- may hininga ng dagat, may buhok ng gubat, may balat na hinurno ng araw, may tinging pinali ng ulan. Tinukso ng mga bituing natanaw, ano’t nangibang-bayan. Hindi madamot ang lupa-- kinupkop ako ng tuwa, buhay ko’y sumariwa. Tigib ang bungo ko ng mga gunita: daluyong na sa palay ko noo’y sumalanta, hampas ng araw na balana’y umalimura, mga pangarap na di masambit ng dila, mga kabiguang umaalimpuyo sa unawa. Paano ako maliligaw? Larawan ang Hawaii ng nilisang bayan-- Nabibiyak ang niyog at tinitighaw ang uhaw. Nadudurog ang bato at tumatatag ang aking tahanan. Humahagkis ang alon at ako’y nakasasakay. Sumimpan ang panaginip at binhi ko’y yumabong-- dila ko’y nagsanga, gayundin ang kultura. Hinanap ko ang lupa ni Ama at supling ni Ina sa bawat babae at lalaking naging anak ko sana. Subalit pati ang mukha ko’y Di nila kilala. Binuklat ko ang talaarawan upang kanilang matunghayan ang iwing katapangan ng bayani ng Maktan; o ang himagsik ng Katipunan, o ang pagpanaw ng mga gerilya sa panahon ng digmaan. Naaaliw lamang sila. Walang iwa wari ang pangaral sa kanilang pandamdam. Ni hindi nasasaling ng mapait na katotohanan-- hindi ito ang kanilang bayan, hindi ito ang kanilang kalinangan. Ako’y Pilipino-- at ito ang imumulat sa aking mga anak: kailangang balikan ang ugat kahit magkasugat; kailangang kilalanin ang alamat ng kayumangging balat; kailangang ituon ang sikap at itundos ang pangarap doon sa pagkilala ng kahapon, doon sa mga gunitang naipon, doon sa mga inibig na layon. Ako’y Pilipino-- panata kong kalagin sa pangamba ang hinlog ko’t pamilya; panata kong magtanim ng tiwala sa puso nila’t diwa; panata kong lumaya sa anumang ikahihiya-- Pilipino ako’t may aninong tiyak at malinaw; Pilipino ako’t may mga anak na kikilala ng kanilang ugat; Pilipino ako’t may kaluluwang lalaging Pilipino saanmang bayan, saanmang panahon, saanmang katawan.
Posted on: Mon, 12 Jan 2015 20:49:49 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015