POEA Administrator Hans Leo Cacdac on DZMM: Re: Freeze hiring of - TopicsExpress



          

POEA Administrator Hans Leo Cacdac on DZMM: Re: Freeze hiring of Filipino domestic helpers in Singapore -Sumulat sila sa amin tapos dumulog sila sa tanggapan namin, ito yung Philippine recruiters for Singapore na ang pangalan ALRA. -Sumulat din sila sa tanggapan ni DoLE Sec. Baldoz maybe a week ago para ibalita ‘yan. -Sa pagkakaintindi namin, ito ay hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila at ng kanilang Singaporean counterparts kasi may placement agency din doon. -So ito ay pag-uusap ng dalawang private sector na grupo tungkol sa payment ng placement fee. -Ang kwento sa amin, umaabot ng ng anim hanggang walong buwan ang salary deduction at ‘yan naman ay hindi natin pinapayagan sa POEA. -So itong mga Philippine recruiters iniiwasan nila na makansela ang kanilang lisensya kasi mahigpit ang aming implementasyon kaya isinagawa nila ito. -Ang usual way in which recruiter can gain traffic ay yung pakikipag-usap nila sa kanilang foreign counterpart, which could either be yung employment agency abroad or yung employer mismo. -Ang nasa POEA, hindi dapat kunin ang kita sa worker lalo na ito ay kung domestic helper, kasi siya na nga ang naninilbihan aborad, siya ang mas nangangailangan ng income for her family tapos siya pa ang tatagain ng placement fee. -Siguro kung umabot na sa hindi pagkakaunawaan kaya umabot na sa moratorium. -Ito yung grupo na nagre-recruit for Singapore. -Ang pagkaalam ko may 58 or 60 ang kasapi nitong mga nagpunta sa amin. -Sa POEA naman, babantayan natin yung paglilipat ng accreditation from one recruiter to another. Re: Countries where OFWs are still restricted to work -Ang top one and two diyan ay ang Syria at ang Egypt. -Yung political situation doon malala pa rin, yan ang major areas na may ban. -Yung sa Iraq, lifted na yung ban but we are still finalizing the guidelines ng deployment ng workers sa Iraq, so ang abiso sa amin wala pa ho muna dapat mag recruit for Iraq. -Afghanistan, meron pa rin tayong ban dahil sa political at security situation ngayon. -Ang Lebanon meron din, in terms of labor situation, although ngayon may pag-uusap with Lebanese government para masiguro ang labor condition ng mga workers ay protektado.
Posted on: Sun, 01 Sep 2013 23:49:31 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015