PRESS RELEASE July 8, 2013 Listahan ng mga komitiba ng SP - TopicsExpress



          

PRESS RELEASE July 8, 2013 Listahan ng mga komitiba ng SP naipalabas na KIDAPAWAN CITY – Naipalabas na ng ika anim na Sangguniang Panlungsod ang iba’t-ibang listahan ng mga komitiba at mga kasapi nito. Binuo ang dalawampu’t dalawang komitiba sa layuning matutukan ng SP ang mga sektor ng lipunan sa lungsod at mabuo ang karampatang lehislatura para sa pagsusulong at pagpapa-unlad ng mga ito. Nabigyan na ng kani-kanilang mga komitiba ang apat na mga bagong kasapi ng SP. May ilan ding pagbabago sa mga dati ng komitiba ng Sanggunian tulad na lamang sa Finance and Appropriations, Health, Peace and Order, Transportation, at Games and Amusement. Naibigay sa mga City Councilors ang kani-kanilang komitiba noong July 1 sa pagsisimula ng kanilang unang sesyon kasabay ang pag-upo ni City Mayor Joseph Evangelista. Ang mga komitiba at pinuno ng mga ito sa ika anim na Sanggunian ay ang mga sumusunod: (1) Ordinances, Legal Matters, Rules and Privileges – City Councilor Francis Palmones, Jr. (2) Finance, Budget, Appropriations, Ways and Means – Councilor Lauro Taynan, Jr (3) Housing and Land Use – Councilor Judith Navarra (4) Education, Culture and Arts – Councilor Jivy Roe Bombeo (5) Games and Amusement – Councilor Gregory Yarra (6) Cooperative and Livelihood – Councilor Mario Flores (7) Transportation and Communications – Councilor Bombeo (8) Health, Sanitation and Social Welfare – Councilor Peter Salac (9) Environment Protection, Ecological and Solid Waste Management – Councilor Allan Amador (10) Agriculture – Councilor Flores (11) Tourism, Commerce, Economic Enterprise, Trade and Industry – Councilor Amador (12) Infrastructure and Public Works – Councilor Salac (13) Labor and Employment – Councilor Ruby Padilla- Sison (14) Women, Children and Family – Councilor Ma. Estela Lamata (15) Public Safety Peace and Order – Councilor Palmones (16) Energy – Councilor Taynan (17) Good Government, Public Ethics and Accountability – Councilor Yarra (18) Barangay Affairs – Councilor Gregorio Lonzaga (19) Youth and Sports Development – Concilor Jamin Repors (20) Urban Poor – Councilor Navarra (21) Human Rights – Councilor Padilla- Sison at (22) Tribal and Muslim Affairs – Councilor Radin Igwas. Magiging katuwang ni Mayor Evangelista ang Sanggunian sa pagbuo at pagpapatupad ng kanyang mga programa sa hinaharap. #LKOasay PRESS RELEASE July 8, 2013 Aktibong pakikilahok ng lahat kinakailangan sa panahon ng kalamidad - CDRRMC KIDAPAWAN CITY – Hinihikayat ni City mayor Joseph Evangelista sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction and Management Council ang aktibong pakikilahok ng lahat ng sektor sa layuning maibsan ang mapanirang epekto ng kalamidad at mailigtas ang maraming buhay. Mas mainam , ani pa ng alkalde na maging mapagmatyag ang lahat sa baha, pagguho ng lupa at iba pang uri ng kalamidad. Kung sakali mang tatama ang mga ito, kinakailangan ang diwa ng bayanihan para sa kapakanan ng mga lahat. Naka-angkla sa “Ligtas na Bayan Maunlad na Pamayanan” ang siyang tema sa Buwan ng Hulyo bilang Disaster Consciousness Month. Kaugnay nito ay nagpalabas ng utos si Mayor Evangelista na siya ring Chair ng CDRRMC ang paggawa ng mga serye ng disaster preparedness drills sa mga eskwelahan. Mangunguna dito ang CDRRMC na inatasang makipag-ugnayan sa lahat ng sektor ng lipunan para sa pag-iwas sa mga kalamidad at magbigay ng sapat na impormasyon kung papaano ang gagawin sakali mang mangyari ito. Sa Hulyo 10, ay tutulak ang CDRRMC sa Notre Dame of Kidapawan College upang magsagawa ng Disaster Preparedness at Earthquake Drills para sa mga college students ng nabanggit na kolehiyo habang sa Hulyo 12 naman ang sa University of Southern Mindanao – Kidapawan City Campus. Kasama ng CDRRMC ang Phivolcs at ang Bureau of Fire Protection sa nasabing aktibidad. Ito ay bilang pagsunod sa Section 14 ng DRRM Law na nag – uutos sa mga eskwelahan na maging Disaster Preparedness compliant para sa kaligtasan ng mga estudyante, guro at mga school administrators. Gayundin ang siyang gagawing serye ng mga aktibidad ng CDRRMC sa iba pang kolehiyo sa Kidapawan City sa mga susunod na araw. #LKOasay
Posted on: Tue, 09 Jul 2013 02:05:55 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015