Paano mo ba matatawag na isang ‘kaibigan’ ang isang tao? Ano - TopicsExpress



          

Paano mo ba matatawag na isang ‘kaibigan’ ang isang tao? Ano ba talaga ang tunay na katangian na dapat taglayin ng isang kaibigan? Yun bang palaging nanlilibre? Sabi nila, ang tunay na kaibigan daw palaging nandyan kapag kailangan mo. Ikaw ba palaging nandyan kapag kelangan ka ng kaibigan mo? — Alam kong hindi. Madami na akong naging kaibigan. Hindi ko na nga alam kung ilan yung dumating at ilan yung umalis. Madami na akong kinabilangan na ‘circle-of- friends’ pinaparating ko lang sainyo na friendly ako. Joke lang syempre. Madami akong barkada. Sabi din nila, magkaiba daw ang barkada at kaibigan pero para sakin pareho lang yon. Sa isang barkada hindi maiiwasan yung magkakaibang closeness sa bawat member ng grupo. Meron dyan na dalawa o tatlo na sobrang close dahil siguro magkakapareho ang mga trip nila, meron din dyan na mas matagal sila nagkakasama kaya mas close sila sa kesa sa iba. Tulad nga ng sabi ko, hindi yon maiiwasan parang normal na nga yon e pero mas okay sana na pantay pantay ang closeness ng bawat isa sa isang barkada— barkada nga e. Isa pa sa hindi nawawala (pero pwedeng iwasan) ay ang plastikan. Yan ang hindi ko maintindihan e, bakit kelangan magplastikan? Kapag wala si A, andami daming sinasabi ni B, kapag nandyan si A ambait bait ni B sakanya. Ganon ba ang magkakaibigan? Diba dapat kung may ayaw tayo sa isang tao, sabihin natin para maiwasan ang awayan, ang plastikan. #tinkerbell
Posted on: Tue, 03 Dec 2013 18:29:53 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015