Palasyo deadma pa sa alegasyon kay Enrile (DindoMatining/Bernard - TopicsExpress



          

Palasyo deadma pa sa alegasyon kay Enrile (DindoMatining/Bernard Taguinod) Mistulang hindi pa sineseryoso ng Malacañang ang alegasyon ni Senadora Miriam Defensor-Santiago na si Senador Juan Ponce Enrile ang nagpondo sa Moro National Libe­ration Front (MNLF) para takpan ang kinasasangkutan nitong pork barrel scam. Sa press briefing sa PalasyongMalacañangkahapon,tumanggi si Depu­tyPresidentialSpokesman Undersecretary Abigail Valte na magbigay ng komento sa alegasyon ni Santiago laban kay Enrile. “We will not comment on that particular a­llegation at this time,” paha­yag ni Valte nang kunan ng reaksyon sa nasabing usapin. Unangisiniwalatni Magdalo Party-list Representative Gary Alejano na isang pulitiko na sangkot umano sa pork barrel scam ang nagbigay ng P40 mil­yon sa MNLF para atakehin ang Zamboanga City sa paniniwalang matatakpan nito ang pork barrel scam. Enrile suko na kay Miriam Suko na, hindi na papatulan ng kampo ni Enrile ang mga banat sa kanya ng katunggaling si Santiago. Ayon kay Lizette Nepomuceno, media relation officer (MRO) ni Enrile, mismong ang 89-anyos na senador na ang nagsabing hindi siya magre-react sa mga pa­tutsada sa kanya ng senadora. “Ayaw na niyang mag-react sa mga sinasabi ni Senator Miriam,” anang text message ni Nepomuceno kahapon. Ilan sa mga senador na pinatusadahan ni Estrada sa kanyang speech tungkol sa pork barrel fund scam i­ssue ay sina Senador Santiago, Alan Peter Cayetano, Francis Escudero at Manny Vi­llar.
Posted on: Sat, 28 Sep 2013 04:14:03 +0000

Trending Topics



-FAST-ON-FACEBOOK-FROM-ANY-COMPANY-OR-topic-10152719753073934">HOW TO GENERATE LEADS FAST ON FACEBOOK FROM ANY COMPANY OR
Firstly I wanna thank @hm for giving me the opportunity to produce
Cyber Monday Deals 2014 ** NextStone 22 Random Rock Mailbox Kit

Recently Viewed Topics




© 2015