Panoorin Lakbayin Ang Magandang Pilipinas August 17, 2013 Episode - TopicsExpress



          

Panoorin Lakbayin Ang Magandang Pilipinas August 17, 2013 Episode Saturday 8am to 9am sa PTV4 or through live streaming at ustream.tv/channel/ptv-livestream. Sa LAKBAY KASAYSAYAN, Ating gugunitain ang lihim na paglibing ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa Paco Cemetery matapos siyang paslangin sa pamamagitan ng firing squad ng mga sundalong Kastila o Guwardiya Sibil sa Bagumbayan na ngayon ay Rizal Park noong 1896. Sa LAKBAY PINOY, Isang makasaysayang pangyayari ang dumating dito sa Bayan ng Angono nitong August 5, 2013. Ang pagtatayo ng SM Center Angono, Manila East Road, Angono, Rizal. Formal na Pinasinayaan ang Groundbreaking Ceremony ng SM at nang Pamahalaang Bayan ng Angono. Ito’y isang malaking oportunidad sa mga mamamayan ng Angono ang pagkakaroon ng SM Malls na magbibigay ng malawakang trabaho at benepisyo ng bayan. Sa LAKBAY KAPALIGIRAN, Nitong August 3, 2013 ay nagkaroon ng signing of Memorandum of Agreement sa pamamagitan ng inyong lingkod at ng Jose Rizal University. Kalahok sa nasabing MOA ay ang EC Minds Tour, Manila Water, Bureau of Fire, LGU’s at Brgy. Officials. Ang Rizalian’s Tree Planting activities ay idinaos sa Don Mariano Santos Avenue, Bayan ng Angono. Ang nasabing Tree Planting ay programa ng bayan na naka-ankla sa National Greening Program at Sagip Bundok, Sagip Buhay project o Upland Development Program ng Pamahalaan ng Angono. Sa LAKBAY SINING, Binisita ng Lakbayin ang Magandang Pilipinas ang art exhibit na ginanap sa gusali ng National Commission for Culture and the Arts. Ang nasabing art exhibit ay obra ni Virgilio “Pandy” Aviado na may temang “National Heritages” ng ating bansa. Ito ay kakaiba sa ibang mga obra sa larangan ng sining. kanyang ipinakita at inilarawan ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng pag-pinta in Oil Canvass ng ating mga National Heritages. At Sa HIGANTES HIGHLIGHTS, mapapanood po natin ang pagdaraos ng “Nutrition month” na ginanap kamakailan lang sa Angono Gymnasium. Ito ay pinagunahan ng Angono Daycare Center at o RIC sa magkaibang araw ng buwan ng Hulyo. Kita Kits po! Ang pagbati po ng Linggo ng Wika, Quezon City Day, Angono Day (August 19, 2013) at Ninoy Aquino Day (August 21, 2013) sa inyong lahat!
Posted on: Wed, 14 Aug 2013 07:18:09 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015