Para sa ibang nakakilala sa akin akala nila mapera ako dahil kung - TopicsExpress



          

Para sa ibang nakakilala sa akin akala nila mapera ako dahil kung saan ako gumagala hindi po totoo yan at kung maganda lang sana ang economy sa Pilipinas di na kailangan mangibang bayan dahil ang pinakamahirap hindi yong trabaho eh kundi ang maiwan ang nag iisang anak at di man lang mapagmasdan ang kanyang paglaki at masubaybayan ang kanyang mga ginagawa habang siya ay lumalaki. Kung ano man ang nakikita ninyo sa mga pictures pampalipas oras nalang para di masyadong ma stress sa hirap at pagod sa trabaho. Ang totoo mas mahirap pa nga ang buhay sa ibang bansa lalo dito sa Korea dahil kailangan mo makipagsabayan sa mga Koreans walang pili sa edad matanda o nakakabata mayaman man sila o mahirap, lalake man o babae kahit office worker ka pa sa factory pantay-pantay pagdating sa gawain. Ang ibang company owner nga pagbaba ng sasakyan akala mo mga artista dahil sa sobrang ganda at guwapo pero pagpasok sa factory makipagsabayan yan sa trabaho. Ang maganda lang dito sa Korea mas angat ng kunti ang kita keysa mismong bansa natin dahil maganda ang economy nila at pantay pantay ang buhay dito wala silang pakialam basta hindi ka lang lumabag sa batas nila. Kaya habang may visa e enjoy na ang moment ang importante hindi natin pinabayaan sa financial support ang mga mahal sa buhay. Enjoy life because Life is too short.
Posted on: Sun, 08 Sep 2013 12:11:37 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015