Pinay sa Dubai, kulong matapos ilagay sa shoebox at ilibing ang - TopicsExpress



          

Pinay sa Dubai, kulong matapos ilagay sa shoebox at ilibing ang anak DUBAI - Hinatulang makulong ng dalawang taon ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa Dubai matapos nitong ilagay sa shoebox at inilibing ang bagong silang nitong anak. Ayon sa Dubai Court of First Instance, namatay ang baby matapos isilang ng 30- anyos nitong ina. Depensa ng Pinay, nanganak siyang premature noong January 1 pero pagkalipas ng isang araw ay nagkasakit ang bata at dahil sa wala silang pambayad sa ospital kaya namatay na ito. Inamin din ng biktima na nalagay sa panganib ang buhay ng sanggol noong nasa sinapupunan pa ito dahil sa walang sapat na medikasyon. Kabuuang Dh26,000 ang hospital bill ng Pinay worker. Hinatulang "in absentia" ang nasabing OFW dahil sa kasong pagtatago ng bangkay ng anak at pakikipagtalik sa kababayan na hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin. Umapela naman ang Pinay sa korte na bigyan siya ng konsiderasyon at pagkalooban ng mas magaan na kaparusahan dahil hindi niya intensyon na mamatay ang anak. Ipapa-deport naman ito pabalik ng Pilipinas sa oras na mapagsilbihan ang parusa nito. Salig sa Criminal Procedures Law sa Dubai, may karapatan sa panibagong paglilitis ang Pinay. (gulfnews) Bombo Radyo Phils Admin Rapista
Posted on: Fri, 19 Jul 2013 06:25:15 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015