Pinoy seaman na whistleblower magiging - TopicsExpress



          

Pinoy seaman na whistleblower magiging multi-millionaire Inaasahang tatanggap ng milyong dolyares na reward ang isang Pinoy whistleblower sakaling mapatunayan sa korte ang alegasyon nito laban sa isang Maltese vessel na gumagamit ng ‘magic pipe’ para magtapon ng dumi sa karagatang sakop ng Estados Unidos. “A Maltese-flagged vessel used a so-called “magic pipe” system to allow the bypassing of required environmental controls,” ayon sa Virginia court. Sa alegasyon ng Pinoy seafarer na si Nathaniel Enicola, 52-anyos, assistant engineer ng inaakusahang Antonio G. Pappadakis vessel na pag-aari ng Angelex Ltd ng Malta, na gumagamit umano ang barko ng hose at pump contraption para ilipat ang oil waste mula sa bilge holding tank patungo sa sanitation system ng barko at kalaunan ay itatapon sa karagatan. Ang iligal na aktibidad ng barko ay naidokumento sa pamamagitan ng maraming larawan ng United States Coast Guard dahil sa impormasyong ibinato ng Pinoy seafarer. Dahil sa rebelasyon ng Pinoy seafarer ay pinigil ang barko kasama ang 16 crew sa Portsmouth Marine Terminal at kinasuhan sa federal grand jury noong Mayo. Sa ilalim ng Virginia whistleblower law, si Enicola ay maaaring tumanggap ng kalahati mula sa multang ibabayad ng barko. Nauna rito, dalawang shipping firms na nakabase sa Germany at Cyprus ang naghayag ng guilty plea sa kahalintulad na kaso at nagkasundong magbayad ng $10.4 milyong danyos, ayon sa website ng Justice Department. Blue@
Posted on: Sun, 22 Sep 2013 10:40:35 +0000

Trending Topics



lass="stbody" style="min-height:30px;">
Hi everyone my friend Andie Crouch has told me about your site. I
AHORA TENEMOS QUE RECONOCER QUE SON INTELIGENTES: 1) ACTÚAN COMO
Okay so I dont know how to start. But sometimes u are annoying and
Ladka Perfume Shop Per Ja Ker Bola 1 Perfume Dey Do Main Appni
What does it mean to be a Kurd? It really is amazing how

Recently Viewed Topics




© 2015