Pwede ba mag-salita? Ang Lehislatura... ang dapat lang ang - TopicsExpress



          

Pwede ba mag-salita? Ang Lehislatura... ang dapat lang ang ginagawa ay a) Gumawa ng mga panukala, na gagawing Batas b) Mag-pasa ng mga batas c) Mag-repasa ng mga batas d) Palitan at Isaayos ang mga lumang Batas *Hindi ang pagpapatayo ng mga imprastraktura.. na kung saan nakalagay naman ang INYONG PANGALAN *Nakakatawang isipin, pero sa tingin ko, binoto lang kayo dahil sa mga proyekto niyo, at HINDI ANG MGA BATAS NA GAGAWIN NIYO.. tama ba? ----------------------- Bakit ba kasi, may PDAF pa ang lehislatura? a) dahil ba? Ang Presidente at Ehekutibo, ay kulang sa mata, at hindi napapansin ang ibang lugar b) dahil ba? Gusto rin ng Lehislatura ng kapangyarihan? na hindi maibibigay ng Batas lang? c) dahil ba? Isa sa paraan na makuha ang tiwala at suporta ng lehislatura (syempre, kaalyado diba?) ----------------------- *Kung ang Ehekutibo at Lehislatura ay kanyang pondo para sa mga programang pambansa? "Bakit wala ang Hudikatura?" ---------------------- Php 10 Bilyon ang nawala, sa halos 10 taon (parang 1 Bilyon, kada taon) Kung iisipin lang natin, kung galing lang yun sa Ehekutibo at hindi sa Lehislatura 1) PAGPAPATUPAD (Enforcement) a) Napunta sana mga mga Pulis, bilang dagdag sahod, para HINDI NA MANGOTONG at maging "FOR-HIRED-GUNS".. b) sa mga Militar, na sana naibigay sa kanilang mga pamilya, at DAGDAG NA KAGAMITAN (para sa pagbabantay, at mga banta sa loob at labas ng bansa), DAGDAG NA BARKONG PANDIGMA, O TANKE, O EROPLANO [-pagbabantay na rin mga mga Illegal Loggers at ILLEGAL POACHERS sa mga kagubatan ng bansa] c) Dagdag sa pasahod sa mga Ahensya, na nagbabantay sa mga Tao o Bagay na labas-pasok sa bansa (Customs at Immigration), para hindi na magkaroon ng "UNDER-THE-TABLE".. 2) EDUKASYON a) Napunta sana sa pagpapalaki ng Eskwelahan b) Dagdag na mga libro, at Kagamitan c) Dagdag pasahod sa mga Guro d) Dagdag na Iskorlar 3) KALUSUGAN a) sa mga maralita, na hindi makabili ng gamot b) Pagpapalaki ng mga pampublikong Hospital c) Dagdag sweldo sa mga empleyado ng Hospital (AT dagdag empleyado) 4) SAKUNA a) Dagdag na Donasyon, sa mga nasalanta ng Bagyo o Sakuna b) Para sa mga magsasaka, na nawalan ng sakahan o Aanihin 5) DEPARTAMENTO NG EHEKUTIBO a) Dagdag na Pa-suweldo, Para hindi maakit sa mga masasamang gawain b) Dagdag na badyet para sa mga Programa (at mas malawak na programa) =Optional: c) Dagdag na departamento, na magsisiguro at mag magpapatupad (police/military power), na lahat na ginagastos at ma-iimplementa ay walang halong korapsyon. *NGAYON? "Kung ang Ehekutibo lang ang may kapangyarihan sa PERA NG TAONG BAYAN, at NAPAPATUPAD NIYA NG MAAYOS ANG MGA PROGRAMA, BATAS.." "AT HINDI SA LEHISLATURA, WALA HILING-NG-HILING NG PROYEKTO, NA WALA NAMANG PAKIALAM KUNG PAANO GASTUSIN ANG PERA O KAYA NAMAN" IBULSA" *TAMA BA? --------------------------- *Sorry, iba kasi ang utak ko
Posted on: Mon, 26 Aug 2013 07:46:16 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015