REAL FAVORITE. This convo happened before Diosa and I are married. - TopicsExpress



          

REAL FAVORITE. This convo happened before Diosa and I are married. :] Jigger smirked at his soon-to-be-brother-in law. “So, Yoz. What exactly are your plans for Berting?” “Well, with or without your permission, I plan to marry the hell out of her. Pero mas maganda pa rin kung susuportahan niyo na lang ako.” Jigger shrugged. “Are you sure you know what you’re getting into? She’s kind of a pain in the ass. Moody. Sometimes grouchy as hell.” Trigger nodded. “Yep. Saka gagawin ka lang alila nun. Moody is not exactly the right term, Jigs. Bipolar ang isang ‘yon.” Sabay taas ng kamay at nakipag-high-five kay Jigger. Napailing na lang si Yozack. “Are you sure kapatid niya kayong dalawa? Saka hindi naman siya ganyan sa akin. Baka sa inyo lang.” Jigger laughed. “Aba siyempre tol, hindi niya ipapakita ang ‘bad side’ niya sa’yo. Baka hiwalayan mo eh.” Trigger added. “Sabi nga nila, brother’s knows best.” “Ulol. Mother’s knows best ‘yon. Wala talaga kayong magawa ano? Anyway, kahit na ano pa ang sabihin niyo, my decision’s final. I want to make her mine. I want to kiss her every damn minute of everyday. I want to sleep next to her every damn night. And I want to wake up next to her every morning. I-” “Okay. Okay. TMI, ‘tol. TMI. We get it. Blah blah blah. Bumili ka na lang sana ng stuff toy, di ka pa dadanas ng hirap.” “Tama. Tama. Tama.” Pagsang-ayon naman ni Trigger. Umiling-iling na lang si Yozack sa pagtutulungan ng kambal. “Kaya siguro wala siyang paborito sa inyong dalawa.” “Uy, diyan ka nagkakamali ‘tol. Ako ang palagi niyang nilalapitan kapag kailangan niya ng tulong sa pag-fax. Kaya ako ang paborito niya.” Proud na sabi ni Jigger. “Sa akin naman siya lumalapit kapag tinutukso siya ni Jigger dahil hindi siya marunong gumamit ng fax machine. So, in the end, ako pa rin ang pinili niya. That means, I’m his favorite.” Sagot naman ni Trigger. “Aba-aba-aba. Diyan naman kayong dalawa nagkakamali. Sa akin kaya siya tumatakbo pagkatapos niyang tuksuhin ni Jigger at pagtawanan naman ni Trigger. So, walang duda, ako- na pinakamaganda niyang pinsan ang paborito niya.” Sabad naman ng kararating lang na si Yelena Mae Javellana. “Hi boys.” “Sinugaling.” Sigaw ni Trigger “Mapagpanggap.” Sabi naman ni Jigger “Hush. Hush. Hush.” So, sa tingin niyo, sino ang totoong paborito ni Diosa? :]
Posted on: Mon, 25 Aug 2014 10:47:06 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015