REPOST FROM @RADYONATIN STACRUZ MARINDUQUE FACEBOOK - TopicsExpress



          

REPOST FROM @RADYONATIN STACRUZ MARINDUQUE FACEBOOK ACCOUNT: "Manunungkulan na umpisa sa darating na linggo alas dose ng tanghali bilang congresswoman ng lone district ng Marinduque si Ate Gina Reyes. Sa ngayon ay tinatapos na lamang ni ate gina ang huling yugto ng seminar na ginagawa ngayon sa maynila para sa mga first timer na kongresista at local legislators. Nakatakda namang makipag pulong si ate gina at nanay carmencita reyes kay pangulong Pnoy mamaya sa malakanyang. Tungkol naman sa di-umanoy desisyon ng korte suprema tungkol sa disqualification case, nilinaw ng kampo ni ate gina na hanggang ngayon ay wala pa silang natatanggap na kopya nito. Ayon kay Cong. Dodo Mandanas, kung sakaling may matanggap silang order ay kaagad silang maghahain ng Motion for Reconsideration sa Korte Suprema. Naniniwala silang sa House of Representative Electoral Tribunal na dapat pag usapan ang naturang usapin."
Posted on: Thu, 27 Jun 2013 04:03:20 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015