Reflections of the Day "Biyernes sa Ika-25 Linggo ng Taon, Lk - TopicsExpress



          

Reflections of the Day "Biyernes sa Ika-25 Linggo ng Taon, Lk 9:18-22" BAGONG UMAGA Magandang-magandang araw ng Biyernes mga giliw naming tagasubaybay. Ika-dalawampu’t pito ngayon ng Setyembre, ginugunita natin si San Vicente de Paulo, na isang pari. Tagapagtatag siya ng Congregation of the Mission at ng Daughters of Charity. Isang mainit na pagbati po ng Happy Fiesta sa mga pari, madre at brothers ng mga kongregasyong ito. Si San Vicente de Paulo, kilala sa kanyang wagas na paglingap sa mga inabandonang bata at matatanda sa lipunan. Ang kanyang taimtim na pananalangin sa Diyos at kababaang-loob ang naging susi sa kanyang paglilingkod. Siya ang patron ng mga Charitable Institutions. Pasalamatan natin ang Diyos sa banal na ito, at sa tulong ng kanyang panalangin hilingin nating makapagpatotoo tayo kung sino ang Panginoong Jesus sa ating buhay. Ito ang tema ng Mabuting Balitang maririnig natin ayon kay San Lukas kabanata siyam, talata Labing-walo hanggang dalawampu’t dalawa. (to continue reading) click this link:veritas846.ph/biyernes-sa-ika-25-linggo-ng-taon-lk-918-22/ Like us on Facebook: facebook/pages/Veritas846-Kapanalig/110079825691091?ref=tn_tnmn
Posted on: Fri, 27 Sep 2013 01:50:13 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015