Sa RELASYON … Kapag nag-aaway kayo. Unang una hindi dapat kayo - TopicsExpress



          

Sa RELASYON … Kapag nag-aaway kayo. Unang una hindi dapat kayo nag sisisihan kung sino ang may kasalanan. Wala namang naitutulong yan eh. Oh paano kung nalaman mong siya ang may kasalanan at hindi ikaw? May naresolba ba? Kapag nag-aaway kayo hindi dapat ganun, isipin niyo dapat agad yung mga posibleng bagay para magbati kayo, kung maaring ikaw na ang magpakumbaba at sabihin na sana sa susunod eh huwag ng gagawin eh yun pa ang mas mainam gawin. Karamihan kasi sa mga nag-aaway. Yung pride talaga mas mataas pa sa Mt. Everest eh. Tipong bahala ka sa buhay mo ang gustong iparating, yung papatayan ka ng cellphone, hindi ka papansinin at sobrang lamig ng approach sayo. Para lang magmukhang ikaw ang kawawa. May mga tao naman na ang galing galing mag reverse psychology. Tipong kanina siya yung nag sosorry, tapos hindi mo namamalayan sa huli ikaw na tong nagmamakaawa patawarin niya, nabaligtad na ang sitwasyon. Yun ang mali kapag nag-aaway eh, yung sisihan at yung lintek na pride na yan. ;(
Posted on: Fri, 26 Jul 2013 07:51:08 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015