Saudi princess, nahaharap sa human trafficking case sa California; - TopicsExpress



          

Saudi princess, nahaharap sa human trafficking case sa California; 4 OFW kasama sa biktima BACOLOD CITY – Nakakulong at nahaharap sa kasong human trafficking sa California, ang saing Saudi princess matapos inireklamo ng katulong na Kenyan. Ito ay kinilalang Meshael Alayban, 42, isa umano sa mga asawa ni Prince Abdul- Rahman bin Abdulaziz. Sa report ni Bombo correspondent to California Florence Hibionada, napag- alaman nito na ni-raid umano kaninang umaga ang Irvine Condominium sa Orange County na tinitirhan ni Alayban. Nadiskubre naman sa naturang raid ang apat pang Pinay na kasamabahay ni Alayban na may katulad na kaso sa Kenyan helper. Napag-alaman na tumakas ang Kenyan victim kung saan sumakay ito sa bus at ikinuwento sa isang pasahero ang kaniyang kalagayan sa kamay ni Alayban at tinulungan itong makapag-report sa pulisya. Batay sa kaniyang reklamo nilabag ng prinsesa ang kanilang napagkasunduang working contract kung saan pinapatrabaho sila ng walang day-off sa loob ng 16 oras bawat araw. Ito ay taliwas sa kanilang kontrata na walong oras bawat araw at limang araw lang bawat linggo. Maliban dito, sa halip na $2,200 ay $1,600 bawat buwan lamang ang ibinabayad sa kanila na sweldo. Dagdag pa nito na matapos na ma-hire upang magtrabaho sa Saudi Arabia ay kinuha pa ang kaniyang passport at ipinahiram lamang ito sa kanila noong dumaan sila sa customs nang sila ay nagpunta sa US noong buwan ng Mayo. Umabot naman sa $5 million ang itinakdang piyansa ng korte para kay Alayban. Sasailaim din ito sa arraignment. source: Bombo Radyo Phils Admin Rapista
Posted on: Thu, 11 Jul 2013 16:11:31 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015