Sikat ngayon yung mga Nanay Moments posts dito sa Facebook. - TopicsExpress



          

Sikat ngayon yung mga Nanay Moments posts dito sa Facebook. Ginawan pa nga yan ng segment sa Bubblegang e. Wala naman talagang problema kung may kinunan ng pattern ang mga hirit na yan, pero sana man lang, magbigay ang GMA pati na rin yung mga nagsusulputang pahina na gumagamit ng mga meme na ito ng kunting credits sa pahinang Anyare. Dun naman talaga nagsimula ang lahat e, yung Senyora, MedyoBadBoy, Old school, Hoy Ikaw, Nanay Moments, Pinoy Ecards at iba pang bagong meme. Kultura na ba natin ang pagiging magnanakaw at hindi pagkakaroon ng originality? Galit tayo sa mga magnanakaw na mga politiko pero ang konteksto ng pagiging magnanakaw (pera man yan, intellectual property o anong klaseng kashitan) ay di man lang natin naiintindihan at na-aapply sa ating mga sarili. Tsk!
Posted on: Mon, 21 Oct 2013 10:12:15 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015