Snatcher nadapa sa tapat ng tambayan ng mga parak, tiklo MANILA, - TopicsExpress



          

Snatcher nadapa sa tapat ng tambayan ng mga parak, tiklo MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang snatcher matapos na madapa sa tapat pa mismo ng mga nakatambay na pulis habang itinatakas ang hinablot na kuwintas mula sa isang vendor sa loob ng Pasig Mega Market sa Pasig City kahapon ng umaga. Kasalukuyan nang nakapiit ang suspek na nakilalang si Aldrin Hanted, 28, residente ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City, matapos na hablutin ang kwintas ng biktimang si Apolinario Macatangay, 55. Batay sa ulat ni SPO1 Lardy Ignacio, imbestigador sa Pasig City Police, nabatid na dakong alas-8:30 ng umaga nang madakip ang suspek sa loob ng Pasig Mega Market sa Brgy. San Nicolas ng mga operatiba ng Special Operations Group (SOG). Nauna rito, namimili ang biktima sa nasabing palengke para itinda sa kanilang lugar nang bigla na lamang sumulpot ang suspek at hinablot ang kanyang gintong kwintas na nagkakahalaga ng P25,000 saka mabilis na nagtatakbo. Hindi naman nagpasindak ang biktima at hinabol ang suspek ngunit hindi naabutan. Gayunman, minalas umanong madapa ang suspek malapit sa lugar na tinatamba­yan ng mga operatiba ng SOG. Tutulungan pa sana ito ng mga pulis ngunit maagap na nagsisigaw ang biktima at itinurong ang nadapa ay ang suspek na humablot sa kanyang kwintas kaya’t tuluyan na itong dinampot ng mga pulis. Narekober mula sa pag-iingat ng suspek ang kwintas ng biktima. *adminchen*
Posted on: Wed, 31 Jul 2013 01:28:16 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015