Sumagip sa utol, nalunod (NL) MARIVELES, Bataan --- Nauwi sa - TopicsExpress



          

Sumagip sa utol, nalunod (NL) MARIVELES, Bataan --- Nauwi sa trahedya ang masaya sanang ‘bonding’ ng siyam na miyembro ng pa­milya mula sa Makati City na nagkayayaang mag-swimming sa isang beach resort dito nang malunod at masawi ang isang miyembro nito matapos na sagipin ang kanyang kapatid sa Barangay Sisiman dito. Kinilala ni P/Supt. Melecio Buslig Jr., hepe ng Mariveles Municipal Police Station, ang biktima na si Mark Raniel Marantal y Cadiz, 20-anyos, binata, ng No. 1336 Blk 5 Caymito St., West Rembo, Makati City na natagpuan lamang ang mga labi dakong alas-6:20 kamakalawa ng gabi matapos itong malunod noong Martes sa Agwawan Beach Resort sa nabanggit na barangay. Una rito, dakong alas-11:30 ng tanghali noong Martes nang malunod si Mary Renze Marantal at masagip ng biktima matapos na magkayayaan ang kanilang pamilya na mag-swimming sa nasabing beach resort at bumisita sa kanilang kaanak sa bayan ng Hermosa. Nang madala na umano ni Mark sa tabi ng dagat ang kanyang kapatid na si Mary Renze ay bumalik ito sa dagat para ituloy ang paglangoy subalit ilang minuto lamang ang nakalipas ay nakita itong nalulunod. abante.ph/issue/aug3013/luzon02.htm
Posted on: Fri, 30 Aug 2013 05:00:01 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015