Sunod-sunod na pagsabog sa ilalim ng lupa sa Talisay Cebu, - TopicsExpress



          

Sunod-sunod na pagsabog sa ilalim ng lupa sa Talisay Cebu, palaisipan Posted by Bombo Cebu Posted in Latest News Tuesday, 05 November 2013 CEBU CITY – Palaisipan ngayon sa mga residente ang manoy nangyaring malakas na pagsabog sa ilalim ng lupa sa barangay Manipis Talisay City, Cebu. Ayon kay Talisay Councilor Danny Caballero, simula kahapon tatlong beses na nangyari ang pagsabog sa ilalim ng lupa kasabay ng pagyanig na nagdulot ng panic sa mga tao sa lugar. Unang nangyari ang nasabing insidente kahapon ng alas-9:00 ng umaga, sinundan alas-10:00 kagabi at isang pagsabog naman ang nangyari kaninang alas-10:00 ng umaga. Sinuspende rin ang klase sa mga paaralan na malapit sa lugar upang maiwasan ang posibleng mga disgrasya gaya ng stampede dahil nagdulot ito ng takot sa mga bata. Susuriin din ng mga otoridad ang Carmen Copper Corporation tungkol sa sunod-sunod na pagsabog kung may ginawa blasting sa naturang minahan. Nakikipag-ugnayan na rin ngayon ang Talisay City Police sa Mines and Geo-sciences Bureau(MGB-Central Visayas) upang malaman kung ano ang nasabing hindi maipaliwanag na pangyayari. - See more at: bomboradyo/news/latest-news/item/30436-sunod-sunod-na-pagsabog-sa-ilalim-ng-lupa-sa-talisay-cebu-palaisipan#sthash.NHkheEeH.dpuf
Posted on: Tue, 05 Nov 2013 22:26:52 +0000

Trending Topics




© 2015