TAMANG PANANAW SA BUHAY ANG isang 92 taong gulang, na matikas, - TopicsExpress



          

TAMANG PANANAW SA BUHAY ANG isang 92 taong gulang, na matikas, maayos at mayabang na biyuda, na laging naka-pustura tuwing umaga sa ganap na ika-walo ng umaga, at ang buhok ayos na ayos at ang perpektong “make-up” ng mukha. Ang kanyang asawa ay kamamatay lamang kaya naisipan niyang magpasya na. Pagkatapos ng ilang oras na matiyagang paghihintay sa “lobby” ng “nursing home”, napangiti siya ng matamis ng sinabing tapos ng ayusin ang kanyang silid. Habang lumalakad siya sa tulong ng kanyang “walker” patungong elevator, ay isinasalarawan ko ang kanyang maliit na kuwarto, pati na ang makitid na kurtinang nakasabit sa bintana. “I love it,” bulalas niyang may galak, gaya ng isang batang paslit na hinandugan ng napakagandang tuta. “Mrs. Jones, hindi mo pa nakikita nag kuwarto . . . . . maghintay ka!” “Wala itong saysay ito sa akin”, ang kanyang tugon. “Ang kaligayahan ay ang bagay na iyong nadesisyonan na bago pa lamang. Kung magugustuhan ko o hindi ang aking silid ay hindi dahil sa pagkakaayos nito . . . . . kundi kung papaano ko inayos ang silid sa aking kaisipan. Ako ay nagdesisyon nang mahalin ang aking silid . . . . . “Ito ang desisyon aking binubuo tuwing magigising ako tuwing umaga. Mayroon akong pagpipilian: puwede akong manatiling nakahiga maghapon sa aking kama at bilangin ang hirap na aking nararamdaman sa buo kong katawan at hirap sa mga parteng hindi na nagagamit o bumangon at magpasalamat sa mga parteng nagagamit ko pa. bawat araw ay pagpapala, hanggang ang aking mga mata ay bumubukas aking itutuon ito sa bagong umaga at sa masasayang alaala itinago sa aking kaisipan . . . . . kagaya ng oras na ito ng aking buhay. Ang katandaan ay kagaya ng banko . . . . ikaw ay nagwi-withdraw sa iyong mga inimpok noon . . . . . Kaya ang maipapayo sa iyo ay mag-impok ka ng maraming kaligayahan sa iyong banko ng alaala. Salamat sa iyo sa pag-iimpok sa aking “Memory Bank”, dahil hangang sa oras na ito, dahil sa iyo, ay nag-iimpok pa ako. Tandaan ang limang simpling alituntunin upang sumaya: 1. Alisin mo sa puso mo ang mga poot; (Free your heart from hatred) 2. alisin mo sa isip mo ang mga alalahanin; (Free your mind from worries) 3. mamuhay ng simple; (Live simple) 4. magbigay ng sobra; (Give more) 5. umasa ng kaunti. (Expect less)
Posted on: Thu, 01 Aug 2013 02:12:58 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015