THE RIGHT TIME-Chapter 7 Alas 3 ng hapon at kagigising lang. Open - TopicsExpress



          

THE RIGHT TIME-Chapter 7 Alas 3 ng hapon at kagigising lang. Open agad ng fb para mag laro nang naadikan kung laro na ninja saga. Pag-open ko sa fb ko nakita kung may bagong friend request nanaman ako. Chenik ko pero di ko maalala ang mukha. Hinayaan ko nalang at nag laro na. Habang nag papaka-busy ako sa pag-lalaro ng ninja saga(isang laro sa fb) bigla nalang may nag appear na notification na may nag message sa akin. Agad ko naman itong binasa. SUBJECT: O.O Message: “Musta na?” Nang i-check ko ang profile ng taong nag sent sakin ng message na yon, napag-alaman ko na ito pala ang taong nag sent sakin kanina ng friend request.. agad kung pinindot ang accept button sa profile nya at nag reply agad ako sa message nya. AKO: “Woi! Okey lang naman ako hehe.. dapat talaga ganyan ang subject mo parang naninilip lang lol!hmmm familiar ang mukha mo ah pero yung name mo kakaiba hahaha!” Hinihintay ko na mag reply s’ya sa message ko pero nakapag palitan nalang kami ng batian sa chat ng mga ka kabarkada ko eh d pa rin na reply. Chenik ko nalang ang profile info nya kasi familiar talaga sakin ang mukha ni kolokoy. Habang chenichek ko ang profile nya bigla nalang s’ya nag pm. SIMPATIKO AKO: cnxa na dc hehe AKO: walang problema. hu u ba? SIMPATIKO AKO: iba ka na talaga lol! D mo na aq kilala huh.. Rome to. AKO: rome? Dami ko kakilalang rome lol cnung rome at bakit iba pangalan mo sa fb? Adik kaba? SIMPATIKO AKO: wahahahaha!!! Ervin Rome Ruales bestbud mo…yay!!! AKO: waaat daaaaaa Eyfffff!!! Tangina ang puti mo na hayup ka! Long time no see!! Musta kana? jan kapa sa cebu? SIMPATIKO AKO: HAHAHAH! Adik ka! Uu pero uwi ako jan sa susunod na month para sa birthday ni mama. Maputi ba? Mas pogi noh? ahhaha Okey naman ako. Kaw ba musta na? AKO: Ayus ahh! Yabang mong animal ka! Okey naman din ako ganun pa din.. ayus yan!! Nang makapag kita naman taU at makapag lasing ulet bwahahaha! SIMPATIKO AKO: wahaha ganun talaga! Uu ba!! Baka jan na muna ako, nag stop kc ako sa trabaho ko d2. Oi out na muna ako liligo lang may date eh. Hahaha anu number mo nang ma txt kita.. AKO: may pumapatol napala saU ngayon? WAHAHAH cge cge ito number ko!0917****** geh ingatz! Habang isa isa kung tinitingnan ang mga pictures ni Rome sa kanyang FB natapos ang pag babalik tanaw ko sa mga nang yari nung high school ako. Marami ang naganap sa buhay ko dahil lang sa isang transferee. Halos hindi ko na makilala pa si Rome ang laki talaga ng pinag bago nya mas maputi sya ngayon at talagang nag mature na ang hitchura nito. Siguro dahil sa bagong gising at sobrang excitement makapag laro hindi ko masyadong binigyan ng pansin ang hitchura nya kaya di ko sya agad na kilala. Hindi ko rin mapigilang mag selos nung sabihin nya na may ka date sya. Kahit di ko pinahalata sa kanya kanina nung mag ka chat kami. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Hindi ko alam kung anu mang yayari sa napipintong pag-kikita naming muli. Kung sya paba ang dating Rome na kilala ko apat na taon na ang nakakalipas. Tinupad ko ang pangako ko kay Rome. Hindi ako nag hanap ng iba kahit na marami ang nag paparamdam sa akin nung college ako. May mga naging bago akong kaibigan sa Manila pero hindi kagaya ng mga kaibigan ko nung High School iba pa rin sila. Ni isa sa mga kaibigan ko sa Manila walang nakakaalam sa mga nang yari sa akin. Namimiss ko na rin ang ibang barkada ko sina Tonet, Angela, Mina, Carlo, at Red. Kahit pa minsan minsan nag kakatext, nag tatawagan at nag kakausap kami sa facebook iba parin ang personal ko silang makikita. Apat na taon ang lumipas at ito na ang sinasabi ni Tonet noon nung nasa Island kami nila Carlo. “Guys Cheers para sa ating pito! Sana kahit hiwa- hiwalay na tayo sa college patuloy parin ang ating samahan and when time comes na pare-pareho na tayong successful sa mga careers na pinili natin, sana magkita kita ulit tayo at ipag patuloy ang samahan nating ito! Cheers!!” Ito na ang araw na mag kikita kita ulit kami. “Makikita ko na ulit sila.” Sabi ko ng pabulong habang may ngiti sa mga labi.
Posted on: Mon, 02 Sep 2013 14:06:19 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015