TYPES OF TROPANG LALAKI: 1. The Gentleman- Yung lalaking - TopicsExpress



          

TYPES OF TROPANG LALAKI: 1. The Gentleman- Yung lalaking ginagalang ang babae. Maginoo at ayaw ng makakakita na binabastos ang mga babae. Brotherly type kumbaga. Andyan para protektahan ka. Maalaga at ayaw kang masaktan. Kumbaga, pinapahalagan ka :) 2. The Sadist- Opposite ng nasa taas. Lalaking brutal. Ito naman yung mapababae sinasaktan. In a way na nangungurot at nanununtok. Pero way niya lang yun para maglambing. Nahihiya kasing maging sweet kasi ayaw maging paasa. Medyo bad boy type kumbaga. 3. The Clingy- Ito naman yung lalaking touchy. Sweet, showy pero walang malisya. Mahilig maglambing. Ito naman yung parang little brother. Masarap kasama kasi alam mong may magco-comfort sayo. Sweet by action at alam mong di ka iiwanan mag-isa. 4. The Torpedo- Kaibigang torpe. Yung ikaw pa yung tutulong, magkatuluyan lang sila nung mahal niya. Biruin mo, magiging tulay ka pa nilang dalawa? Hassle. Pero ang sarap sa feeling kapag tinulungan mo sila tapos sila yung nagkatuluyan in the end :) 5. The Clown- Joker ng barkada. Masaya kasama. Siya yung magpapagaan ng mood kapag alam niyang badtrip ka. Ayaw makitang nalulungkot yung kaibigan. Thoughtful at nakakagaan ng loob kasama. Ito yung taong alam mong di ka titigilan hanggat hindi ka ngumingiti. 6. The User- Ito. Ito yung pinakahard sa lahat. Yung kilala ka lang kapag may kailangan o kaya kilala ka lang kapag may ipapagawang assignment o project. Nakakaputangina ano po? Sarap batuhin ng notebook. 7. The Flirt- Kaibigang malandi. Wala nang ginawa kundi magpacute. Lahat na ata naka-MU. Pati ikaw idadagdag pa haha. Ito yung tipo ng kaibigan na nagpapatulong kung pano dumiskarte sa babae. Kung ano yung gusto o point of view ng mga babae. 8. The Pa-Fall- Ito naman yung PAASA. Yung makikita ng iba na parang magboyfriend-girlfriend kayo. Sweet through words and action. Akala mo may feelings na pero wala pala. Sila yung kaibigang parang boyfriend kung umasta tas sa huli wala lang pala, ganun lang pala talaga siya at umasa ka lang sa wala. 9. The Secret Lover- Sila naman yung mga tipong kaibigan ka kapag nakaharap pero mahal ka na pala kapag nakatalikod :") Sila naman yung mga taong martyr. Di aamining mahal ka wag lang masira yung friendship nyo. Kumbaga handang magsakripisyo, maging masaya ka lang =) 10. The Manhid one- Ito yung pinaka-masaklap. Yung kaibigang manhid. Yung nagparamdam ka na’t lahat lahat pero wala parin. Kasi kaibigan ka lang talaga sa kanya. Masakit pero kailangan tanggapin. Ito naman yung ikaw naman yung magsasakripisyo para sa taong mahal mo. Yung mahal mo, pero hanggang magkaibigan na lang talaga kayo.
Posted on: Fri, 02 Aug 2013 11:52:06 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015