Tagalog news: PMMA, iniimbitahan ang mga residente ng Gitnang - TopicsExpress



          

Tagalog news: PMMA, iniimbitahan ang mga residente ng Gitnang Luzon na subukan ang entrance exam nito By Carlo Lorenzo J. Datu SAN NARCISO, Zambales, Hulyo 8 (PIA) -- Iniimbitahan ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) ang mga residente ng Gitnang Luzon na huwag palampasin ang pagkakataon na magkaroon ng magandang career bilang officer ng Navy, Coast Guard o kahit anong pribadong shipping line sa pamamagitan ng pagkuha ng entrance exam nito na nakatakda sa ika-28 ng Setytembre. Sa isang pahayag, sinabi ni PMMA President Commo. Richard Ritual na ang pagsusulit ay bukas sa lahat ng Pilipino na may edad 16 hanggang 22 taong gulang pagsapit ng Hunyo 2014 na single (hindi pa kinasal), may taas na hindi bababa sa 160 sentimetro o 5’3” para sa mga lalake at 155 sentimetro o 5’1” para sa mga babae, tapos o nakatakdang matapos ng high school sa Abril ng susunod na taon, may average o above average academic performance sa high school, may background sa Trigonometry, of good moral character at physically at mentally fit for active merchant marine or naval service. Inaabisuhan ang mga interesado at kwalipikado na magsumite ng fully accomplished application form kasama ang kopya ng authenticated birth certificate; tatlong kopya ng recent 2X2 colored pictures with name tag, front view at puting background; dalawang self-addressed long white mailing envelopes na may tig-30 pisong halaga ng mailing stamps at examination fee na 350 piso sa Committee on Admissions ng PMMA sa o bago mag ika-31 ng Agosto. Inilahad ni Ritual na ang exam ngayong taon ay binubuo ng English, High school Mathematics (Algebra, Geometry at Trigonometry), Science (General Science, Chemistry at Physics) at Abstract Reasoning. Ito ay sabay-sabay na isasagawa sa may 37 lugar sa buong bansa kabilang na sa PMMA Complex sa San Narciso, Zambales; Aurora State College of Technology; Marcelo H. Del Pilar National High School sa lungsod ng Malolos, Bulacan; Pampanga High School at Tarlac National High School-Main. Ang mga aplikante na matagumpay na makakapasa sa pagsusulit ay dadaan sa Neuro-Psychological Evaluation, Medical Exam, Physical Exam at isang buwang orientation training upang malaman ang kanilang psychological at physical readiness na sumailalim sa isang mahigpit na pagsasanay.
Posted on: Mon, 08 Jul 2013 08:25:50 +0000

Trending Topics



v class="sttext" style="margin-left:0px; min-height:30px;"> Bourne & Holligsworth Buildings 42 Northampton Road London, EC1R
mixcloud/Ian_Pelo/ian_pelo_-_follow_me_side_a/ There is more to
I feel my life has reached an early sign of autumn In my heart

Recently Viewed Topics




© 2015