Throwback: What happened to Leyte reminds me some 30 t0 35 years - TopicsExpress



          

Throwback: What happened to Leyte reminds me some 30 t0 35 years ago when I was a college student in FCIC,.. May isang relegious group sa isang lugar sa Leyte na ang tawag pa nga sa kanila ay KULTO dahil sa mga patutoo nila na ang mundo daw ay lilinisin na ng Diyos dahil sa napakarami na raw ang makasalanan at marami ang mga releheyon na mga bulaan na biglang lumitaw sa ngayon. Sabi pa nila kailangan na nating maghanda sa malaking pagbaha na papatay sa libo-libong tao sa Leyte. Ang ginawa ng kanilang pinuno ay pinulong niya ang lahat ng kasapi ng kanilang relegious group at hinikayat ang lahat na maghanda ng mga pagkain, tubig, gamot mga kagamitan na kinakailangan sa taglamig at iba pang gamit panghanda sa isang napakalaking delubyo na dadating sa Leyte. Sabay-sabay silang umakyat sa napakataas na bundok,...ewan ko kung tama pa ako, medyo matagal na kasi,.. sa may Southern Leyte ba yun o sa kabundukan ng Ormoc? mahirap na talaga maalaala. Sama sama silang nanirahan sa loob isang kueba at namuhay sa pag-aakalang doon lamang ang tumpak nilang kaligtasan ayon sa panaginip ng kanilang pinuno. Mga ilang taon din yun silang nanirahan doon hanggang nakalimutan na ito ng mga tao sa Leyte at di ko na rin alam kung doon pa rin sila naniniraha. Marami ang nagtawanan, nagtaas ang kilay, nang alipusta sa grupo na yun, at may marami pa ngang nagsasabi na mga sira ulo at mga ignorante daw ang mga taong yun na sunodsunuran sa kanilang pinuno na sabi pa ng iba isang ex-convict at bagong laya sa isang Penal Colony. Saan na kaya ngayon ang mga taong ito? Ngayon ko napagtanto ang lahat,.. ang tao bang yun ay totoong sugo ng diyos upang ipabatid sa sangkatauhan partikular sa Leyte na may totoong delubyo na dadating? O isang COINCIDENCE lamang,... Sa pangyayaring ito,..may magandang leksyon tayong natutuhan sa mga pangyayari.... Na dapat mahirap man, mangmang man,kulang man sa materyal na yaman,...dapat din natin silang irespeto bilang isang tao, at wag husgahan dahil lamang sa estado ng kanilang buhay at paniniwala na salungat sa paniniwala ng mga makabagong generasyon .... Be civil to each other... Who knows, tama sila... Admin.
Posted on: Tue, 12 Nov 2013 06:04:57 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015