Tiniyak ng administrasyong Aquino na hindi makialam ang mga - TopicsExpress



          

Tiniyak ng administrasyong Aquino na hindi makialam ang mga miyembro ng gabinete sa imbestigasyon ng paratang na katiwalian sa pork barrel na isinasagawa sa kasalukuyan ng National Bureau of Investigation (NBI), ayon sa isang opisyal ng Palasyo noong miyerkoles. “Makakaseguro kayong walang opisyal na makialam sa imbestigasyon na isinasagawa ng NBI,” sabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda sa isang interview kasama ang mga mamamahayag sa Malakanyang noong Miyerkoles. Sinabi ni Lacierda na ang NBI ay nagsasagawa ng masinsinan, lubusan at patas na imbestigasyon sa paratang na maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF). “Nagsasagawa pa ang NBI ng tinatawag na case build-up,” sabi ni Lacierda nang tanungin kaung bakit magpa file pa lamang ang NBI ng kaso laban mga responsableng nasa likod ng paratang na P10 bilyong katiwalian sa pork barrel. Nangangamba rin si Lacierda na ang pagimbestiga sa katiwalian ng pork barrel ay maantala dahil sa irrevocable na pagbitiw ng NBI Director na si Nonnatus Rojas. Sinabi ni Lacierda na isa pa rin si Rojas sa mga opisyal ng pamahalaan na pinagkatiwalaan ni Pangulong Aquino. Sinabi kamakailan ni Justice Secretary Leila De Lima na nirekomenda niya kay Pangulong Aquino na huwag tanggapin ang pagbibitiw ni Rojas. “Alam mo, magpapatuloy ang imbestigasyon. Ang imbestigasyon ng NBI ay patuloy kahit nagsumite ng pagbibitiw si Nonie Rojaz. Patuloy ang imbestigasyon. Kakabit na ahensiya ng DOJ ang NBI, kaya nasa itaas pa rin si Secretary Leila De Lima sa lahat,” sabi ni Lacierda. Nakikita ni Presidente Aquino na ang pagka detene kay Janet Lim-Napoles ay tamang direksyon para makamit ang hustisya, at mabuksan ang katotohanan tungkol sa paratang na maling paggamit ng PDAF, sabi ni Lacierda noong nakaraang linggo. (PIA, Agusan del Sur)
Posted on: Fri, 06 Sep 2013 01:21:48 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015