Tips para makalimutan ang Ex mo 1. Unang dapat mong gawin ay - TopicsExpress



          

Tips para makalimutan ang Ex mo 1. Unang dapat mong gawin ay alisin siya sa isip mo burahin lahat ng mga memories nyo.Kung Friend mo siya sa facebook,i unfriend mona nakakatulong to para wag munang makita mga pictures niya at correction! baka magselos kapa kapag kasama niya yung bago niya…Idelete mo narin ang mga messages niya sa inbox mo nakakatulong to para di muna maalala yung mga “Iloveyou" -han nyo para di muna makita at mabasa mga yun..Kung may cellphone number kapa sakanya burahin muna at diba memorize mo yun? pakitanggal na sa isip mo nakakatulong yan para wag mo na siyang itext o icall pa o kaya mas mabuti pang magpalit ka na ng sim….Alisin muna lahat lahat ng mga pictures nyo sa gallery,sa facebook,kahit san pa na may picture kayo.Anumang nag-uugnay sa iyo sa kanya, kung nais mo talagang makapag move on nang mabilisan ay maaga pa lang ay putulin mo na. 2.Huwag nang ipilit pa ang hindi na pwedeng mangyari. Ihinto mo na ang ilusyon na minsan kahit isang lingo ay pwede pa kayong magkasama o mag stroll sa mall o mag date kaya sa paborito ninyong restaurant. Isipin mo na lang, may dahilan kung bakit kayo naghiwalay, at may mabigat na rason kung bakit ito nangyari. Kung nais mo talaga siyang kalimutan, higit mong isipin ang mga pangit na nangyari sa inyo sa nakalipas kaysa sa mga matatamis na alaala kasama siya.Isipin mo na balang araw may mahahanap kapang mas mabuting tao para sayo. 3.Hindi naman talaga madaling gawin ito nang mag-isa, kaya’t simulan mong makisalamuha sa iyong mga kaibigan, makipag bonding sa iyong mga kapamilya at simulang muling maghanap ng mga bagong makikilala. Malay mo isa sa mga bagong kakilala na ito ang maging bago mong pag-ibig. You can never tell. Ngunit sa kabilang banda ay iwasan mo ang mga kaibigan o kakilala na nag-uugnay sa iyo sa dating kasintahan. Maaari kasing tuksuhin ka nilang muli na balikan ang dating bf/gf, hindi sila makakatulong sa iyo at ito ang dapat mong tanggapin. 4. Magsimulang mag-enjoy, magliwaliw, humanap nang mga pagkakaabalahan. Kahit nga sa bahay lang ay marami kang magagawa, maglinis, magluto at tumulong sa inyong family business kung mayroon man. Keep yourself busy at the same time enjoy your new life. 5. At dahil nga gusto mo nang makalimot. Subukan mong baguhin ang iyong looks. Try to re-invent yourself. Hindi lang artista ang meron nun pati rin mga broken-hearted. Sa mga lalaki, pwede mong subukan na magpa kalbo o magpahaba ng buhok, depende kung anong bagay sa iyo. Pwede mo ring subukang baguhin ang estilo ng iyong pananamit. Dati ka bang emo? Bakit hindi mo subukang i-try ang plain and smart look. Sa mga babae, pwede kang magpaputol ng buhok kuing babagay sa iyo, mag work out, mag diyeta at iba pang magbibigay enhancement sa iyong physical looks. Your new look represents your new life. Sa bagong buhay magsisimula ang bagong pag-ibig. go go go....................mga ka facebook......move on.......lang pag my time hehehe dhl yan ang ginawa ko para maka pag let go ako sa first love ko...
Posted on: Sun, 28 Jul 2013 16:08:57 +0000

Trending Topics



>
Nice. "When conventional doctors told 74-year-old Danny
Mi ricordo sai quando sono andata via tutte le parole sono
This blonde decides one day that she is sick and tired of all
Quotes from The missing Link, by Sydney Banks There are those

Recently Viewed Topics




© 2015