Tumawag si tatay ulit! This time medyo mahaba-haba usapan kaso - TopicsExpress



          

Tumawag si tatay ulit! This time medyo mahaba-haba usapan kaso naputol na naman at di na naman ulit macontact. Sa mga nagtatanong anong sinabi niya at kamusta kalagayan niya, eto po: Safe naman daw sa tacloban kapag umaga, pero nung tinanong ko kung pwede ba ako pumunta dun, sinusuggest niya na wag na lang daw pumunta. Pero weird kasi sa mga ka-org niya sa motor, inu-urge niya magvolunteer, siguro kasi nga mga lalaki. So we are still deciding kung ano talaga best course of action. (Mas delikado pa nga raw daw sa remote areas kasi walang officials.) CALL FOR ACTION SA GOVERNMENT!!! Injured pala si tatay, sa paa at sa ibang parts ng katawan niya huhu pero nagpa-anti-tetanus na siya. Tapos he was looking for food sana, pupunta ng relief center, pero sa dami ng dinadaanan niyang nangangailangan ng tulong, hindi siya nakakahingi ng food agad agad. May mga tao siyang nakikita na naglalakad, naghihikaos papuntang hospital, tinatanong niya ano kaya mong umangkas/kumapit, tapos dadalhin niya sa hospital, tatawirin yung mga debris at mga nakaharang sa daan, hahanap ng shortcut, etc etc. Gusto na niya sana linisin ang bahay pero hindi niya alam san magsisimula. Siguro dahil wala ring gamit/materials kaya nagvolunteer na lang muna siya sa rescue opns, sa info dissemination doon especially sa remote areas kasi nga hindi nakakaabot doon (siguro ang goods and news). Totoo rin daw yung nangyayaring patayan sa mga bahay-bahay pero isolated areas lang. Dahil na rin to sa sobrang gutom ng mga tao doon. In fact, sa village namin na akala naming safe kahit papaano, muntikan ring ma-ransack yung bahay nung kapitan. Sabi ni Tatay, yung mga niraransack lang naman daw ay yung malalaking bahay na sa tingin ng mga tao ay may food gaya ng tindahan. Pero nag-aalala siya kasi patagal nang patagal, mas marami ang nagugutom at nauubusan na nga ng pagkain kaya baka kahit simpleng bahay lang, pasukin na rin at mas marami pa ang mamatay. CALL FOR ACTION SA GOVERNMENT!!! Meron na ring curfew, bawal sa labas at 8pm-5am. Minsan nag-aalala na tita ko dahil nga minsan gabing gabi na nakakauwi si Tatay. Hindi ko alam anong pinagagawa niya dun, hay. Linis linis ng kalsada. Miski pila ng gasolina, tumulong na rin sa pag-ayos ng systema kasi nga ang gulo, maraming nag-aagawan, mga tao pipila ng buong araw para magpagasolina. Tinanong ko si Tatay, bakit di ka na lang pumunta sa Manila. Sabi niya kaya pa naman daw. Tutulong daw siya hanggat sa makakaya. Alam niya naman daw kung san at paano lulugar. Basta kung di na kaya, pupunta sila ng Manila. Hay tatay! Galingan mo diyan! Victim ka rin pero you are choosing to help. Ahy, ewan ko sayo, nag-aalala ako pero sige lang, ganyan ka naman. Kahit nakakaiyak, proud na rin ako sayo. Pero please lang ha, ayusin mo Tay yung sabi mong marunong ka naman lumugar! Basta be safe always. Pagprapray ko na mas isave at iprotect ka pa ni God para makatulong. Ahy ewan tatay, bat ka ba ganyan, huhu! Pero thanks na rin kasi you are setting a good example to us. I love you Tatay Paul Gabuat Jr.. Ingat lagi, ingat lagi! We (Jo Gabuat) love you! God bless Tay!
Posted on: Wed, 13 Nov 2013 06:12:59 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015