“Tumigil na akong maniwala sa pagpaplano ng buhay. Corny mang - TopicsExpress



          

“Tumigil na akong maniwala sa pagpaplano ng buhay. Corny mang pakinggan, mas naniniwala ako sa tadhana. Kung totoo na talino at galing ang sekreto sa tagumpay, dapat wala ako dito ngayon. Hindi ako ang pinakamahusay na manunulat sa aming kolehiyo. At higit na mas marami ang mas magaling mag-isip kesa sa akin. May paborito akong kasabihan mula sa idolo kong nobelistang si Kurt Vonnegut. “Unannounced changes in life’s itinerary are like dancing lessons from God.” Napakagandang ideya. Napaka-akmang metapora. Dancing lesson.Sa dancing lesson, wala kang ibang pwedeng gawin kundi sumunod. Pag hinila ka dito, sunod ka na lang. Pag binaba ka, bumaba ka rin. Pag hinagis ka, magpagaan ka ng katawan. Susugan din ito ng isa pang quote mula kay Voltaire: “I refuse to believe in a God who does not know how to dance.” Ang pagsayaw ay isang ekspresyon ng ligaya, ng laro, ng kalayaan ng katawan at diwa na mayroon pa ring sistema. ” -Lourd de Veyra Idol talaga
Posted on: Sun, 01 Sep 2013 13:05:32 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015