Type ko toh hindi gavi matatakutin si Mayumi.pero love n love ko - TopicsExpress



          

Type ko toh hindi gavi matatakutin si Mayumi.pero love n love ko ang horror stories . . .hahaha "ROOM BOY"-HORROR STORY Ilang buwan na rin ako sa aking trabaho bilang room attendant sa isang apartelle. Di ko maintindihan pero sa apartelle lang ako may nararanasang hindi ko maipaliwanag. Nagsimula ito nung na i schedule ako ng pang gabi. Pasok ko nun ay 10pm to 6 am na ng umaga. Sa pang gabing shift naka assign akong magtapon ng basura sa lahat ng kwarto sa apartelle. Dahil sa first tym ko naging pang gabi ay naisipan kong agahan ang pagkuha ng basura sa lahat ng floor. Iniiwan lang naman ng guest ang basura nila sa labas ng pinto, kayat kukunin ko na lamang ang mga ito. Mga bandang 3am ko na isipang kunin ang mga basura. Hanggang 6 floor ang apartelle at may 12 rooms bawat floor nito. Hindi na ginagamit ang secind floor kayat hindi ko na ito pinuntahan kaya sinimulan ko sa 3rd floor pero dahil sa walang guest ay dumiretso ako sa 4th at sumunod ang 5th. Nang paakyat na ako sa 6th ay may napansin akong nakatayo sa gitna ng floor isang matanda, inisip ko na lang na guest ito dahil tamang tamang meron guest sa room 604 ng floor na iyon. Tinignan ko ang lahat ng labas ng kwarto kung meron mga basura hanggang sa nakapunta ako sa kanya, tinitigan ko ito at tinitigan nya rin ako, maputi ang mukha nito, tumango lang ako sa kanya . Hanggang sa nakababa na ako upang magtapon ng basura. Habang tinatapon ko ang basura ay napa isip ako kung meron b kaming guest na matanda sa room 604 kaya tinanong ko ang front desk. Sinabi nyang wala daw matandang kasama ang guest 604, kayat ikinagulat ko ito. . . Sinabi nya ring walang lumalabas na guest sa ganuong oras. Tamang tama at may camera ang buong building kasama na rito ang six floor. Pina rewind ko sa kanya ang video ng mga oras na nakita ko ang matanda. Nang marewind nya kinagulat ko ito. Walang matanda sa video pero kitang kita ang pagtango ko ng mga oras na iyon. Pinilit kong alalahanin ang mga napansin ko sa kanya. Napansin kong wala syang mga tsinelas. Mula nuon sunod sunod na ang mga nakikita ko. Minsan na assign ako ng 11am to 7pm n shift. Mga bandang 6:45 pm ay paakyat ako sa 3rd floor para maghanda na umuwi. Napahinto ako sa 2nd floor nakita ko ang isang naka amerikanang lalake, naka sumbrero at maleta at naka all black at pumusok sa room 212 na katapat lang ng hagdan na inaakyat ko. Binuksan nya ang pinto pero di binuksan ang ilaw at sinara ang pinto ng hindi man lang lumilingon. Halos maluha luha ako sa nakita ko. . .bakit? Gaya nang sabi ko kanina hindi na ginagamit ang 2nd floor. Natural pati lahat ng kwarto dito ay di na ginagamit. Naging bode bodega nalang ang mga kwarto roon kayat imposibleng may pumasok at mg check.in dahil rin sa sobrang dumi na rin ng mga kwarto duon. Kumaripas ako ng takbo at ng mamadaling umuwi. Hindi ko na sinabi sa mga kasamahan ko dahil matatakutin din sila. Kayat tinago ko na lang sa aking sarili. Na assign ulit ako ng pang gabi. Mga bandang 2 or 3 am ay sumakay ako ng elevator para mabilis makapunta sa 3rd floor. Dahil takot na rin akong gumamit ng hagdan dahil medyo madilim. Sa elevator na iyon ay may salamin sa kanan. Sa likod at sa kaliwa. Napagtripan kong sumayaw sa salamin dahil sa wala namang nakakakita. Sumayaw ako ng sumayaw habang tinitignan ang gumagalaw. . Pero maya maya huminto ang isa kong reflection. Nakayuko lang ito at hindi gumagalaw. Habang ako ay patuloy parin sa pagsayaw at paggalaw ng aking mga kamay. Ayoko na sanang pansinin at malapit na ang 3rd floor. Pero mas lalo akong natakot sa nakita ko. Yung nakahintong reflection ko ay meron palang kasama. . .sa ulunan nito merong mahabang buhok na pababa sa ibabaw ng elevator.saktong sakto bumukas ang elevator at kumaripas ako ng takbo. Hindi pa dyan ng tatapos ang mga karanasan ko. . .dahil ng simula na rin akong bangungutin. Sa bahay man o sa apartelle. Oo minsa natutulog ako sa apartelle habang ngtratrabaho at hindi pangkaraniwan ang mga bangungot na ito. Isa ito sa mga hindi ko malilimutang mga bangungot. Napaka wierd pero nakakatakot. Dahil sa wala ang boss ko at dahil wala ring guest ay naisipan ko munang matulog sa sofa pero hindi nakahiga. Nakabukas ang pinto ng kwarto na pinagpapahingahan ko para kung meron dumating ay mapapansin ko agad. Para hindi mahuli syempre. Maya maya nagising ako mismo sa kunauupuan ko tumayu ako . . .at dahil nga panaginip iyon ay hindi ako ng taka dahil meron lumapit saking matanda na humihingi ng limos mismo sa kwarto na iyon. Binigyan ko daw ito ng pera mayat maya pinasunod nya ako sa kanya at may pinakita. Pinakita nya ang pader sa mismong floor na iyon na puro guhit ng chalk. Sa pagkakatanda ko. Pinapapili nya ako ng isa sa mga guhit. Nakapili na ako sa aking isipan pa lang nang na distract ako. Meron rin palang isang pumipili na babae sa tabi ko. Pero mukhang sinasaniban ito. Maingay na parang ng dedeliryo. Kumahawak sa matanda kaya hindi ko nasabi ang napili kong guhit. Maya maya nagising ako. At naisipan kong puntahan ang pader na pinuntahan namin ng matanda sa panaginip ko. Pero wala itong guhit na chalk. Dahil saglit palang ang aking pagkaka iglip ay naisipan kong bumalik sa pagkakatulog sa mismong sofa ulit. Di ko naman inaasahan na mag papatuloy ang aking panaginip na iyon. Nagising ulit ako sa mismong sofa at pinuntahan ulit ang pader na may guhit na chalk, pero wala na ang mga kuhit ng chalk. Maya maya may sumigaw hindi ito pangkataniwang sigaw dahil natatakot ito, ewan ko pero natatakot ako sa sigaw na iyon, parang " wooooohhhhhhhhh" . Yun palay may babae na parang nakasuot ng belo sa opposit side ng kinatatauan ko kong kwarto. Hindi ko alam pero sure ako na sa panaginip ko iyun yung matanda na kasama ko kanina. Pero bakit sya sumisigaw.? Dahil ba sa hindi ako nakapili ng guhit? Alam ko binabangungot na ako gusto kong magising dahil natatakot na ko sa kanya. Ang ginawa ko ni relax ko ang aking sarili at wala pang isang minuto nagising agad ako. Napakawierd tlaga ng mga panaginip. Marami pa akong mga bangungot dahil sa tulog ako ng tulog kapag walang ginagawa at wala ang boss ko. Hindi ko na bubuoin ang iba pang kwento. Minsan ay meron daw pumulupot sa akin na itim na pusa sa buong katawan ko. Hindi na ako makagalaw . Binabangungot rin ako sa apartelle . . .sobrang dilim ng apartell at walang kailaw ilaw at isang babae na pinalilibutan ng kuting na pusa at mukhang pinapakain nya ang mga ito. Lahat ng yan ay same floor ko lang napapanaginipan. Sa 3rd floor kung saan ako naka assign. Awa ng Diyos ay nagigising pa ako sa mga bangungot na iyon. Lesson din sa akin iyon. Pero unti unti na rin itong nawawala habang tumatagal ako sa trabaho ko. . .siguro ay may mga gusto lang ipahiwatig ang mga kaluluwa ruon kaya ako nakakakita at binabangungot sa apartelle. The end!!!! Mayumi
Posted on: Sat, 20 Jul 2013 14:54:17 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015