URI NG MANLILIGAW ? MR. GWAPINGS - mayaman, gwapo, kilala, mataas - TopicsExpress



          

URI NG MANLILIGAW ? MR. GWAPINGS - mayaman, gwapo, kilala, mataas ang confidence, hindi sya mababasted, kaya kapag nabasted naaapektuhan ng husto ang kanyang EGO. MR. QUICKIE - ang uri ng manliligaw na kada magkikita kayo eh wala nang alam na sabihin kundi "KAILAN MO BA AKO SASAGUTIN?" o kaya "I LOVE YOU, AKO BA HINDI LOVE MO NA?" kahit na isang linggo pa lang naman siyang pumoporma. MR. EVERYTHING - linya nIya ang "SAGUTIN MO LANG AKO, IBIBIGAY KO SAYO LAHAT, LAHAT NG GUSTO MO. " Dahil pag sinagot mo na yan, makakalimutan na niya ang linyang yan. MR. STALKER - eto yung klase ng manliligaw na pag nagkahiwalay kayo eh sisimulan ka sa tanong na "KUMAIN KA NA BA?" pagkasagot mo susundan pa nya ulit ng tanong "NASAAN KA NGAYON?", "SINO KASAMA MO?", "ANUNG GINAGAWA MO?" at kung anu-ano pa. Basta tungkol sa daily activities mo kailangan malaman niya. MR. SALESMAN - dadaanin ka sa matatamis na salita. Parang si MR. EVERYTHING din kaya lang siya mas matindi mang-uto. Yun bang tipong, "ANG GANDA GANDA TALAGA NG MATA MO." MR. GOOD DOG - eto ang nakakatuwang manliligaw. Kase payag sIyang magpaalipin. Taga bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo. Kahit magmuka siyang buntot sa tuwing may gala kayo ng mga barkada mo. Nagpapakitang gilas kung baga. Pero pag sinagot mo na, for sure gaganti yan. MR. ANONYMOUS - motto niya ang "ACTION SPEAKS LOUDER THAN WORDS." Wala kang kaalam-alam, nanliligaw na pala. Kaya pala ang bait-bait sayo. Eh akala mo mabait lang talaga. MR. TAKE IT OR LEAVE IT - pag binasted mo ang ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas may nililigawan na sIya ulit. At ito pa, hinding-hinde ka na niya papansinin. Period. MR. ROMANTIKO - jologs ang mga paraan nIya sa panliligaw. Manghaharana, pakikisamahan mga barkada mo, liligawan parents mo at laging may dalang flowers and chocolates tuwing dadalaw. Pero madalas nakakapagpakilig siya ng nililigawan niya dahil sa kanyang "MALINIS NA HANGARIN." MR. SECOND CHANCE - sIya ang pinakamasugid mong manliligaw. Kahit 100 times mong sabihing ayaw mo sa kanya at wala na siyang pag-asa ang sasabihin nya parin, "PLEASE GIVE A SECOND CHANCE?" so. saan ka? :DD
Posted on: Sun, 07 Jul 2013 10:41:29 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015