Unang kaso ng plunder sa Philippine National Police Sa - TopicsExpress



          

Unang kaso ng plunder sa Philippine National Police Sa kauna-unahang pagkakataon ay may nakasuhan ng plunder sa Philippine National Police (PNP) at nangangahulugan itong nakakulong ang mga akusadong opisyal ng PNP habang dinidinig ang kaso dahil walang piyansa ang naturang asunto. Nahaharap ngayon sa kasong plunder, graft, malversation through falsification of public documents at violation ng procurement law si dating PNP Director General Avelino Razon, Jr. at lima pang dating heneral ng PNP na kinabibilangan nina dating PNP comptroller Eliseo de la Paz at Geary L. Barias; dating PNP National Headquarters-Bids and Awards Committee chairmain Reynaldo P. Varilla at vice chairman Charlemagne S. Alejandrino; at dating Logistics Support Service (LSS) Director Teodorico R. Lapuz IV. No bail ang rekomendasyon ng Ombudsman prosecution team na pinamunuan ni Manuel T. Soriano, Jr. dahil sa laki ng halaga na ginamit sa ghost repair at maintenance ng 28 unit ng V-50 light armored vehicles na umabot sa P358.48 million. Plunder ang kaso nina Razon at lima pang heneral ng PNP dahil apat na kontrata ang nakita ng Ombudsman na may anomalya at pasok sa depinisyon ng plunder na series of criminal acts kung saan hindi bababa sa P50 million ang halagang ninakaw ng mga sangkot sa krimen. Kabilang sa apat na kaso na kinakaharap ni Razon ang mga sumusunod: Una, P239.61-million contract for the repair and maintenance of 18 V-150s to Evans, RJP and Enviro-Aire (charged for a simulated public bidding, with the bidding notice published in a “nonexistent publication”, Alppa Times News); ikalawa, P134.39 million for the repair and maintenance of 10 V-150s to Evans, Enviro-Aire and RJP (no delivery of engine and transmission reports despite full payment); ikatlo, P8.7-million phantom delivery of supplies from RKGK and Dex-Lan; at ikaapat, P2.78 million for the purchase of tires from Serpenair. Napag-alaman din ng pinagsanib na team ng Ombudsman at Commission on Audit (COA) na namemeke ang mga suppliers ng delivery receipts, certifications, inspection and acceptance reports, pre-repair and post-inspection reports at disbursement vouchers to collect payments. Kabilang sa mga private suppliers na sinampahan ng kaso ng Ombudsman sina Artemio B. Zuñiga, Gigie Marpa, Marianne Jimenez, Oscar Madamba, Carmencita Salvador, Rasita Zaballero, Pamela Pensotes, Evangeline Bais at ang magkapatid na Harold at Tyrone Ong. Ang magkapatid na Ong ang nasa likod ng Enviro-aire na siya ring nag-supply ng mga rubber boats sa PNP noong panahon naman ni PNP Director General Jesus Verzosa. Pumutok din ang iskandalong ito sa PNP matapos magreklamo ang end-user na Maritime Group na hindi akma ang mga motor sa rubber boats na dineliver ng Enviro-aire. Malaking problema para kay Gen. Razon ang kinakaharap na kaso ng plunder dahil siya marahil ang kauna-unahang dating PNP chief na makukulong sa salang plunder. Nakakalungkot ngang isipin na kung kailan pa nagretiro si Gen. Razon ay saka pa siya nagkaroon ng kaso na non-bailable pa sakaling pagtibayin ng Sandiganbayan ang rekomendasyon ng Ombudsman na “no bail”. May 11 aktibong opisyal naman ng PNP ang kabilang sa kasong kinakaharap ni Gen. Razon. Ito ay sina Senior Superintendents Victor G. Agarcio; Emmanuel Ojeda at Reuel Leverne B. Labrado; Superintendents Rainier A. Espina; Warlito T. Tubon; Henry Y. Duque, Edgar B. Paatan; Josefina B. Dumanew; Analee R. Forro; Victor M. Puddao at Alfredo M. Laviña. Anim na non-uniformed personnel ng PNP ang kasama rin sa kaso at ito ay sina Antonio Retrato, Eulito T. Fuentes, Patricia Enaje, Maria Teresa Narcise, Nancy Basallo at Alex R. Barrameda.
Posted on: Tue, 23 Jul 2013 05:44:45 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015