Yung pakiramdam na marami ang nasa paligid mo pero nakakaramdam ka - TopicsExpress



          

Yung pakiramdam na marami ang nasa paligid mo pero nakakaramdam ka pa rin ng pag-iisa. Meron kasi tayo isang tao na gustong bubuo ng mundo natin. Kaya siguro kahit gaano karami ang nakapalibot. Kung wala yung isang tao na yun. Paano iikot ang mundo mo? Parang sa laruan. Kailangan ng anim na baterya. Pero dahil kulang ng isang baterya. Kahit na sobrang ayos pa nung laruan mo. Hindi ito gagalaw. Kasi kulang ng isa. Ganun din siguro sa buhay ng isang tao. Kahit na ilan pa yan o gaano pa karami ang nakapalibot sayo. Patuloy nating hahanapin yung tao na magpapasaya satin. Maaring masaya tayo. Pero hindi tayo maligaya. Yun pala ang advantage. Kapag pumasok ka sa isang masayang relasyon. Yung relasyon na nagkakaintindihan kayong dalawa. Doon mo mararamdaman na buo ang mundo mo. Kaya marami dito satin. Patuloy na nararamdaman ang lungkot. Paano nga kasi.. Kulang.. Pero ang nakakatuwa dito. They always look on the bright side na alam nilang darating din yun.. Kaya nagiging malungkot man sila. In the end of the day? Wala.. Masaya ulit sila
Posted on: Sat, 28 Sep 2013 17:28:12 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015