ging Minds Part 2 How to Become Rich? Changing Minds Part 2 Hi - TopicsExpress



          

ging Minds Part 2 How to Become Rich? Changing Minds Part 2 Hi there! Kamusta? From my last post we learned that it is your MINDSET that is the primary reason why you are not reaching your FULL POTENTIAL. It is your THOUGHTS that determines your results. Yan katutuhanan at maliliwanagan ka sa mga susunod pa nating mga topics. For today’s lesson, I will EXPOSE some set of HOW the unsuccessful people THINK. Maaaring ma-guilty ka habang binabasa mo ito. But I don’t mean to judge or offend anyone. Lahat ng i-eexpose ko ay pawang KATOTOHANAN. And as the Bible says… “THE TRUTH SHALL SET YOU FREE.” Handa ka na ba??? Then let’s proceed… Lesson No. 1 : Ayokong yumaman/Nakakatakot maging mayaman/Masama ang maging Mayaman, Ok ang maging Mahirap Here is a Classic… Maraming tao ang natatakot or ayaw yumaman, kasi ang feeling nila, magiging masama sila, isa sa mga dahilang nakikita ko kung bakit marami sa atin ang ganito mag-isip tungkol sa pagyaman, is yung mga napapanood sa mga telenobela at sinehan. Di mo ba napapansin, sa mga napapanood mo sa TV or sa sinehan, anong klaseng role ang mga pino-portray ng mga mayayaman? DRUG LORD, MARAMING GOONS, MGA MATAPOBRE, NANGANGAMKAM NG LUPA, NAGPAPAPATAY NG MARAMING TAO, ETC… Kaya napo-program ang isip na karamihan na “AY, AYOKO MAGING MAYAMAN, KASI PAG MAYAMAN PALA AKO, MAGIGING MASAMA AKONG TAO!” On the other side of the story, ano yung mga role ng mga mahihirap?? PALAGING API, GINUGULPI, SINASAMPAL, NILALAIT, DIKIT KAY LORD, AT SA BANDANG HULI AASENSO AT MAGIGING MAYAMAN… Anung impact nito?? Napo-Program ang UTAK mo na “KAPAG MAHIRAP PALA AKO, OK LANG, BASTA ANG IMPORTANTE DIKIT AKO KAY LORD, DI NIYA AKO PABABAYAAN, BALANG ARAW AASENSO DIN AKO!” Kaya minsan ay nagiging madrama na rin ang buhay ng ibang tao dahil feeling nila sila yung bida sa napapanood nila. May scenario pa na kapag sinisingil na sa utang, feeling kawawa yung sinisingil na parang siya yung bida sa napapanood niya. ^_^ But contrary to what others believe, RICH PEOPLE ARE GENEROUS. Bakit? Tignan mo ang mga mayayamang tao, sa Pilipinas na lang, si Henry Sy, may SM FOUNDATION, si Eugenio Lopez, may ABS-CBN Foundation, si Felipe L. Gozon, may GMA Kapuso Foundation, si Manny V. Pangilinan, may MERALCO Foundation, even Manny Pacquiao, may Foundation din! They share their wealth through charity. For they believe that the more you give, the more you shall recieve! Kapag marami kang pera, marami kang matutulungan hindi lang ang iyong mga kamag-anak. Imagine mo na lang kung magkano ang tithes ni Manny Pacquiao! Hindi sila masasamang tao gaya ng paniniwala ng karamihan, marami silang natutulungang tao, and they deserve to be blessed even more. Kaya ako, when i realized this information, di na ako nanonood ng mga Teleserye, late night documentaries, reality TV shoes, even NEWS di na ko nanunuod, why? Kasi ano bang napapanood mo sa mga programang yan? DI BA PURO MUKHA NG KAHIRAPAN?! KRIMEN, GUTOM, WALANG KATAPUSANG RALLY, CORRUPTION, AT WALANG KAMATAYANG IMPEACHMENT! Puro negative, Kapag yan ang palagi mong napapanuod o nakikita, pumapasok yan sa isip mo, and the more you think of those information, you ATTRACT the more of it! The Law of Attraction say; You get what you think repeatedly! Eto pa isang classic, remember the saying: “MONEY IS THE ROOT OF ALL EVIL!” Isa ito sa mga paniniwala ng karamihan tungkol sa pera. Pero what I believe is this: “THE LACK OF MONEY IS THE ROOT OF ALL EVIL!“, why? Bakit ba may nanghoholdap? Diba dahil wala silang pera? Bakit may mga nangingidnap for ransom? Di ba dahil wala silang pera? Bakit may mga snatcher? Di ba dahil wala silang pera? Bakit may mga carnapper? Di ba dahil din sa wala silang pera? Meaning pala, ang main reason kung bakit nakakagawa ang mga tao ng masama, IT’S BECAUSE OF LACK OF MONEY!!! Sa tingin mo, kung maraming pera ang mga ABU SAYYAF/MILF/NPA, mangho-hostage ba sila? Kung maraming pera ang mga holdaper, snatcher, will they do such ACTS? Look, may kilala ka bang Milyonaryo na nang-holdap or nang hostage? May kilala ka bang Milyonaryo na napabalitang nag-carnap? Diba wala? They dont have to, KASI MAY PERA sila! Hanggang ganito ang paniniwala mo, you will never be RICH! Ito pang ISA popular mong naririnig…“Ok lang kung mahirap tayo, ang importante, NAGMAMAHALAN tayo!” For me this is insane! Yes, importante ang LOVE sa isang relationship, but I believe MONEY is as important as LOVE. Look, sa umpisa, ang mag-asawa masaya… Lambingan, mainit ang pagsasama… Pero did you notice na habang lumalaki ang pamilya, dun nag-uumpisa ang mga conflicts, especially financial? Why? Kasi habang lumalaki ang mga bata, lumalaki din ang GASTOS! Pang gatas, diaper, pang tuition, etc.! What if WALA KANG PERA? Mabubuhay mo ba ang Family mo sa “PAGMAMAHAL” lang? What if lumapit sayo ang mga anak mo, “Tay, gutom na po kami, dalawang araw na kaming hindi kumakain…” eto isasagot mo: “Ok lang yan mga anak… MAHAL ko naman kayo eh, tiisin nio lang, halikayo, magyakap-yakap tayo! MAHAL NA MAHAL ko kayo…” Holy Cow! Hindi nakakabuhay ang PAGMAMAHAL lang, kailangan pa rin ang PERA! Anong halaga ng pag-ibig na wagas kung wala naman pambili ng bigas. And last but not the very least, and this is my favorite among all, narinig mo na ba ito? “HINDI NAMAN IMPORTANTE ANG PERA EH..” Pasensya na ha, pero kung ganyan ang paniniwala mo, hindi ka yayaman kapatid! Kasi inilalayo mo ang sarili mo sa PERA! And I would like to quote my mentor T. Harv Eker for he said “Those who say that money is not important, doesn’t have any.” Tama talaga eh, kung sino yung mga nagsasabing hindi importante ang pera, sila yung mga walang pera. Kung hindi importante sayo ang pera, edi itapon mo or ipamigay mo na lang lahat ng pera mo. Siguro hindi mo na kailangan maghanap ng trabaho or dagdag pagkakaitaan. Napakaimportante ng pera, sabi nga nila, “You cant live without money, for money is next to oxygen”. Money is our medium for interchange for Goods and Services. Kapag namalengke ka, anong ginagamit mo? Pera di ba? Pwede ba ibayad ang AWA?… Nung bumili ka ng damit at sapatos sa mall, anong ginamit mo? Pera di ba? Pwede ba ibayad ang THANK YOU?… Nung pinag-aral mo ang mga anak mo sa school, diba pera pa rin ang ginamit mo? pwede bang ibayad ang LUHA? hanggang sa pag-apply ng trabaho wala kang kawala, pera pa rin ang kailangan mo. Sobrang importante ang pera sa buhay natin. There you have it…Actually, marami pang ways of thinking… Kaya lang sa sobrang dami, baka tamarin ka ng magbasa… So far ito lang muna ang mase-share ko sa ngayon. I hope you learned something from today’s lesson. Here is the Part 3 of the lesson
Posted on: Thu, 05 Sep 2013 07:45:59 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015